Masama bang magbakasakaling ika'y muling maging akin
Kahit matagal nang tapos ang pag-ibig natinMasama bang umasa na madudugtungan pa ang kwento natin ng isang panibagong simula
Kahit na nagtapos na ang ating kabanataMasama bang hilingin na muli kang mapasaakin
Kahit na sa puso mo'y may iba nang nagmamay-ariMasama bang isipin na muli pang magtatagpo ang mga landas natin
At ang salitang "ikaw" at "ako" ay muli nating bubuhayinMasama bang mangarap na muling magbabalik ang sarap
Ng dating pag-ibig na ngayon ay hindi na malasapMarahil ay lumipas na nga ang mga sandaling tayo ay magkasama pa
Ngunit patuloy pa rin akong mananabik
At maghihintay ng tahimik sa iyong pagbabalik
Kahit walang kasiguraduhan kung ang pagbabakasakali ko ay magbubunga ng matamis
At ikaw ay aking muling makakamitGaano man kasama ang pangarapin
Na muli kang magbabalik sa aking piling
Patuloy pa rin akong magbabakasakali na muli mo akong dadalawin
Kahit na sa panaginip na lang kita maaaring makakapiling
Magbabakasakali pa rin akong muli mo akong mamahalin--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋