Ikaw pa rin ang rason ng mga ngiti ko at nagbibigay kulay sa buhay ko kahit hindi na ako ang dahilan ng mga pagtawa mo at kumukupas na ang mundo na magkasama nating binuo
Ikaw pa rin ang nag-iisang pangarap ko kahit hindi na ako ang taong gusto mong makasama sa pagtupad ng mga pangarap na binuo mo
Ikaw pa rin yung sakit na gustong gusto kong yakapin ng mahigpit
Ikaw pa rin yung taong kay sarap mahalin kahit sobra nang masakit
Ikaw pa rin yung taong hinding hindi ko ipagpapalit kahit unti unti nang lumuluwag ang iyong mga kapit
Ikaw pa rin yung taong hinding hindi ko bibitawan kahit masyado na akong nasasaktan
Ikaw pa rin yung taong hihintayin ko kahit gaano katagal kahit walang kasiguraduhan kung ikaw ba ay muli pang daratal
Ikaw pa rin yung taong hinding hindi ko iiwanan kahit paulit ulit mo pa akong saktan
Paulit-ulit pa rin kitang yayakapin, papatawarin, at mamahalin katulad nung ipinangako ko sayo na ikaw lang at ako hanggang dulo. At ngayon, muli kong ipinapangako na hinding hindi ako magbabago. Ikaw pa rin ang mamahalin ko kahit hindi na ako ang nasa puso mo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit hindi na ako ang gusto mo. At hanggang sa dulo, IKAW PA RIN KAHIT HINDI NA AKO
--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋
