Kasabay ng paglubog nitong haring araw
Itong yaring puso ay tuluyan na ring papanaw
Ang tadhanang hindi kayang abutin ng tanaw
Ipauubaya na lamang sa bituin at bulalakawMahirap man ang ikaw ay palayain
Susubukan ko pa rin at aking kakayanin
Kung ang kapalit naman nito ay ang iyong kaligayahan
Magdusa man ako, handa akong lumisanSa bawat kong paghakbang palayo sa iyo
Asahan mong ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Hindi man ako ang laman ng iyong puso
Patuloy kitang mamahalin mula sa malayoSa aking paglisan, ako ay mamamaalam
At sa iyo ay tatlong salita ang aking iiwan
SALAMAT sa iyo sapagkat ako ay minahal
Kahit panandalian lamang at hindi na nagtagalPATAWAD kung hindi ko na kaya pang lumaban
Patawad kung hanggang dito na lang ang aking nakayanan
Hindi man tayo umabot sa pangakong walang hanggan
Ating mga alaala ay patuloy kong iingatanTangi kong hiling ay ang iyong kaligayahan
Kahit pa sa iba mo iyon natagpuan
Wala na akong gugustuhin pa
Kundi ang makita kang masaya kahit sa piling man ng ibaSALAMAT at PATAWAD sa ating nakaraan
MAHAL NA MAHAL KITA, iyan ang lagi mong tatandaan
Hanggang dito na lamang, sa iyo ay paalam na
Simula sa pagkakataong ito, ikaw ay malaya na--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋