Hindi ko alam kung paano ko sisimulan
Ang isang tulang ikaw lang ang laman
Sa isip ko'y walang ibang nananahan
Kundi mga tugmang kay hirap dugtunganMga tugmang ako lamang ang nakakaalam
Mga salitang kailanma'y hindi mo mauunawaan
Kawangis ng aking nararamdaman
Na hanggang ngayon ay lingid pa rin sa iyong kaalamanKathang isip na lang ang ikaw ay mahagkan
Ang makasama ka'y pangarap na lamang
Batid ko naman na wala akong laban
Sa Maria Clarang iyong naiibiganIkaw ang paksa nitong aking tula
Ikaw ang bida sa bawat salita
Sa bawat saknong, taludtod at letra
Ikaw ang dahilan, ang rason nitong akdaIkaw ang aking araw at gabi
Ikaw ang nais kong sa tuwina'y katabi
Ang rason ng aking bawat pagngiti
Ay ang makita kang masaya at walang pighatiIkaw ang aking tala at buwan
Maging ang ulap at araw sa kalangitan
Ikaw ang aking galaksiya, ang aking kalawakan
Para sa akin ikaw ang walang hangganIkaw ang aking lupa at langit
Ang aking tagsibol at taglagas, tag-ulan at tag-init
Ikaw ang dahilan ng pagdilat at pagpikit
Kailanma'y hindi ako bibitaw sa aking pagkakakapitHindi ako bibitaw kahit na masakit
Hindi ako magtatanong kahit napakarami kong bakit
Ikaw kasi yung sakit na nais kong makamit
Yung masayang dalamhati, pagdurusang marikitIkaw yung taong imposibleng maging akin
Lalo't nananatili pa ring lihim ang aking damdamin
Ngunit bakit ikaw pa rin?
Bakit ikaw pa rin ang gusto kong mahalin?Bakit patuloy kong sinusugatan ang sarili ko?
Bakit patuloy akong tumitingin sayo
Habang nakatingin ka sa isang taong kailanma'y hindi magiging ako?
Bakit patuloy akong naghahabol sa taong patuloy namang lumalayo?Patawad kung hindi ko kayang aminin
Patawad kung hindi ko masabi ang aking damdamin
Sa taong minahal ko ng labis
Ikaw lang ang aking ninanaisAt ngayon, tuluyan ka nang nawala
Sa aking mundo'y bakit lumisan ka?
Bakit ako'y hinayaang maiwan mag-isa?
Sa paraiso kung saan ikaw lamang ang nais kong makasamaHindi ko batid kung iyo pang mababasa
Ang tulang naglalaman ng aking nadarama
Ngunit patuloy pa rin akong aasa
Na ikaw ay muli kong makakasamaAt kahit wala ka na
Malaman mo sana na mahal pa rin kita
Mabatid mo sana na sa akin ika'y mahalaga
Kahit sa pamamagitan na lamang ng tula na ikaw ang paksa--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋