HULING SEGUNDO

40 0 0
                                    

Kung maaari ko lang sanang pihitin pabalik ang orasan
Sa oras na ang mga kamay mo ay akin pang nahahawakan
Sa oras na ikaw ay maaari ko pang mahagkan

Kung maaari lang sanang ibalik ang nakaraan
Yung mga panahong sa atin pa ang kalawakan
Magkasama tayong nakatingala sa kalangitan
Habang pinagmamasdan ang mga tala at buwan

Kasing lamlam nitong kulay
Ang pag-ibig natin na ngayon ay nananamlay
Sa mga balikat mo nais ko muling humimlay
Hawak kamay nating tunguhin ang habang buhay
Sa piling mo ay ayokong mawalay
Ngunit kailangan ko nang masanay
Na ang ikaw at ako ay matagal nang namatay

Kung maaari lang sanang ibalik ang bawat segundo
Ang bawat oras at minuto na pag-aari pa natin ang mundo
Ang huling segundo na magkasama pa tayo

Kung maaari lang sanang baguhin ang takbo ng ating kwento
Ang wakas ay pipilitin kong itago
Ang direksyon ko ay laging sa iyo patungo
Pero bakit patuloy ka namang lumalayo
Dito ka na lamang sa piling ko
Huwag ka sanang lumayo, nakikiusap ako sayo

Dito ka na lamang sa aking tabi
Wala tayong sasayangin na sandali
Susulitin mula umaga hanggang gabi
Kung maaari lang sana kitang yakapin muli
Hindi ko hahayaang lumipas ang mga sandali

Pipilitin kong pigilin ang oras
Hindi ko babayaang dumating pa ang bukas
Susubukan kong ihinto ang pag-ikot ng mundo
Kung ang kapalit naman nito ay mananatili ka sa piling ko

Ngunit kailangan ko nang gumising sa mga panaginip na ito
Kailangan ko nang wakasan ang mga kathang isip ko
Dahil ang ikaw at ako ay hindi na magiging tayo
Bawat araw, oras, at minuto
Hindi ko akalaing sumapit na tayo sa ating huling segundo

--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSPOKEN WORDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon