Chapter 26: The Article
Dia's POV
Matapos ang pangyayaring iyon ay mas hinigpitan ang security sa paligid ko, ang bawat taong makakasalamuha ko ay nasa isang metro ang layo sa akin maliban na lamang kay Eve, Nico, June at ang secretary ko na si Jeyya. Ipinahatid ko kay Mr. Yong si Mariel noong araw na iyon, nakakapag-usap pa naman kami ngunit hindi na katulad dati dahil mas focus ako ngayon sa trabaho ko maging sa bago kong responsibilidad bilang Prinsesa ng Rallnedia.
"As of now wala pang balita kung bakit nagkaroon ng idea ang Rallnedian tungkol sa Prinsesa." Napatango ako sa sinabi ni Nico.
"Pasensya na Dia pero kailangan na nating umalis ngayong Sabado patungo sa Rallnedia."
"I understand Eve."
"Lahat ng schedule mo ay mas maaga kaysa noon pero bago ang lahat kailangan muna nating maasikaso ang profile mo sa media ng Pilipinas bago tayo umalis."
Nakapaninibago ang pagsabi sa pangalan ni Ma'am Vel este Eve, ayaw niyang tinatawag ko siya sa pangalang Tita Vel, or Tita Eve maging ang pagtawag ko sa kanya sa harap ng iba pang tao."Gayundin ang mga maiiwanan mo dito sa Pilipinas."
"Can I visit my mom first before our flight?"
"As of now fully scheduled ka sa buong linggo, pasensya na Dia. Alam kong nag-aalala ka kay Mrs. Madrigal lalo na sa natitirang araw mo bago tayo tumungo sa Rallnedia, but she's in a good hands, okay?"
"But can I still visit her right after or at least right now?"
"I'm very sorry but you can't Dia."
Oo sabi ko nga hindi na, dahil mas maraming tao sa hospital at ayaw niyong mangyari muli ang nangyari noong nakaraang araw.
"Hindi natin maiiwasan ang media from their job to get some information from you, at maka eencounter ka din ng ganyan sa Rallnedia but for now you are not ready."
"Yeah, thank you Eve."
Napabuntong hininga na lang akong bumalik sa aking kinauupuan at ipinagpatuloy ang mga kailangan kong tapusin.
At dahil paalis kami patungong Rallnedia, kailangan matapos ko na ang design na sinugest ko sa naganap na meeting noong nakaraang linggo.
"I already called the new five bodyguard for your departure on Saturday your grace."
"Thank you Mr. Yong." Tiningnan ko lang ang tatlo na abala sa kanilang pinag usapan.
.
.
.
Pagkauwi sa bahay ay agad na din akong humiga at nagpahinga. Ramdam ko ang pagod sa nangyari ngayong maghapon tungkol sa lahat ng bagay na nangyari sa library hanggang kanina sa office.
Dahan dahan ko na sanang ipipikit ang aking mata nang biglang may tatlong magkakasunod na katok akong narinig mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Noong una ay hindi ko na lang pinansin ngunit naulit iyon, kaya napilitan akong bumangon at pinagbuksan ng pinto ang kung sinong kumakatok.
BINABASA MO ANG
Unexpected Royal
Misteri / ThrillerPaano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, simpleng babae pero maarte minsan lang naman kapag trip niya, may ginintuang puso at mabuting kalooba...