Chapter 30: Primary City

68 2 0
                                    

Chapter 30: Primary City

Dia's POV



Mabuti naman maalam magtagalog si Krish kaya hindi na ako mapapagod pang mag english kapag kausap siya. Sawang sawa na ako magsalita ng english at promise duguan na ang ilong ko sa tuwing kakausapin ko ang isa sa kanila. Maawa naman sa akin hays, mauubos ang dugo ko sa kanila e.

"May problema po ba?" Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ang boses na iyon.

"Ha? A-ayos lang ako haha." Nauutal kong sambit kay Krish, mabuti na lang bumisita ako dito sa Cratemia dahil kung hindi magiging istatwa na ako sa loob ng palasyo.

Ganito pala ang feeling kapag abala lahat ng kasama mo sa bahay what I mean is palasyo pala. Hindi naman ako nahirapan makapasok dito sa Cratemia dahil may private airplane na sumundo sa akin, pero syempre hindi maiiwasan ang mga paparazzi at dahil handle ni Shaine ang media dito sa Cratemia mabilis akong nakapasok at nakadaan patungo dito sa mansion ni Shaine.

Si Krish at si Mr. Yong ang kasama ko ngayon dito sa mansion, abala kasi si Shaine sa mga meetings niya ngayong araw. Wala akong schedule ngayong araw dahil may ibang appointment si Mr. Hienz, hindi naman pwede na maghapon akong nakatanga sa palasyo at promise maluluka ako. Hindi ko naman matagawagan si Shine sa Pilipinas dahil sa fashion show ngayong linggo, alam kong abala siya lalo na at nandiyan na si Sir Maki sa MVF.



"Gusto niyo ba mag-ikot muna sa garden?" Agad akong tumayo sa aking kinauupuan sa suggestion ni Krish.

"Pwede bang samahan mo ako? Hindi ko kasi alam kung saan iyon e."

"Sige po, tatapusin ko lang po itong ginagawa ko." Lumakad ako palabas ng living room dito sa terrace ng mansion habang tinatapos ni Krish ang pagpapatas ng mga libro at documents na ginamit niya kanina.

.

.

.


"Sa tingin mo mga ilang oras ang tinatagal ng coronation?"

"Po?"

"Aabutin ba ng tatlong oras? Apat? Lima? O higit pa?"

"Sa pagkakaalam ko po kasi depende sa Hari or Reyna, pero dahil kayo po si Duchess Eve ang sunod sa hanay ng trono siya po ang may hawak ng oras kung hanggang anong oras matatapos ang coronation, pasensya na po pero siya lang po ang may hawak ng oras sa gabing iyon." Napaisip ako sa sinabi ni Krish. Tama siya kay Eve dapat ako magtanong tungkol sa ganitong bagay.

"Salamat nga pala dahil sinamahan mo ako dito." Pag-iiba ko ng usapan, alam kong hindi pa ako sanay na makipag-usap o makisama sa tulad niya pero kailangan kong sanayin ang sarili lalo pa sa darating na linggo para sa coronation.

"Walang anuman po your highness. Masaya po akong samahan kayo at maglibot sa buong garden ng Cratemia Mansion."

Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Krish.















"Alam mo kung hindi ka maalam magtagalog siguro duguan na ako dito."

"Bakit naman po?"

"Hindi mo ba alam ang nosebleed?"

"'Yun po ba yung nangyayari once na may health problem ang isang tao, like anaemia?"

"Hindi, nosebleed means expression in Philippines, 'yung kapag hindi ka sanay mag english e sasabihin ng mga Pinoy nakakanosebleed."

"Paano po 'yun nangyayari?"

"Expression lang 'yun, hindi literal na dudugo ang ilong. Gets mo ba?"

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon