Untitled Story Part

90 3 0
                                    

"I'm breaking up with you." Halos pabulong niyang sinabi.

"Fine." Walang buhay kong sagot.

"Wala ka bang itatanong? Hindi mo ba itatanong kung bakit?"

"Nah, I don't wanna hear your stupid lies. If you want to go, then go. I won't stop you." itinuon ko ang mga mata ko sa dagat kung saan malinaw na makikita ang sinag ng buwan.

"I'm really sorry, Georcel."

"No biggies." then umalis na sya.

I don't need to hear his excuses, I already know, hindi ko nga alam kung bakit hindi ko pa din sya binitawan pagkatapos kong malaman yun. Inantay ko pang sa bibig nya manggaling na ayaw nya na. I knew, he fell out of love and found another girl.

Lahat ng luhang pinigil ko kanina ay una-unahang nagsitulo ngayon.

"Alam mo? Ang tanga mo talaga!" Mula sa likod ko ay may nagsalita, di ko na kailangang tignan kung sino.

"Alam ko," habang humihikbi "pero mas tanga ka kasi alam mo na ngang tanga minahal mo pa."

Natawa sya sa sinabi ko, tawa na may halong sakit o anoman yun.

"Pareho naman pala tayong tanga, bakit hindi na lang tayo?" nung mga oras na yun ay napalingon ako sa kanya na ngayon ay katabi ko na.

Oh Craig!

"Ayokong gawin kang panakip butas Craig, you deserve someone better. I'm a total mess now can't you see?"

"Nakikita ko, at sa twing nakikita kitang ganyan. Nasasaktan ako, gusto kong alisin lahat ng sakit na nararamdaman mo George. Just give me a chance, just let me in. Ibigay mo naman sakin itong chance na to." he's eyes are all red.

I must be dreaming! This is Craig! Hindi sya yung klase ng lalaking iiyak para sa babae, hindi nya hilig ipagpilitan ang sarili nya. He loves himself so much, pero bakit sakin?

"Masasaktan lang kita!" At umiwas ng tingin.

"Hindi pa ba ko nasasaktan?" sabay ng kanyang pekeng pag tawa "saka ganito naman talaga diba? Hindi man natin sinasadya, magkakasakitan tayo. Ang mahalaga ay hindi mo ko iiwan."

I was speechless. Yes, I've been loving him since grade 6 pero ayoko. Paano kung hindi magwork? Paano na yung friendship, nakuntento ko na mahal ko sya nang di nya alam. Kahit nung mga panahong inamin nyang mahal nya ko, tinanggihan ko siya. Nag boyfriend ako and along the way medyo nahulog ako sa lalaking yun. I know it was wrong pero wala eh, yun lang yung alam kong paraan. I never want to end what we have. Relationship always has an ending.

Pero good thing makulit sya.

Now nandito kami sa lugar kung saan kami unang nagkaintindihan, kung saan unang nagkaaminan. Sa tabi ng dagat, papalubog na ang araw ng magsimulang tumugtog ang musikang malamlam. It was a beach wedding.

There he is the man I love, waiting down the aisle with a smile on his face as I walk.

At last magiging masaya na sya. At last wala nang sakit as I get closer para kong naiiyak. Then I reached my seat, the bride started to walk, everyone smiles. Ngayon he will marry the girl he deserved.

Yes, we had our chance but we aren't really for each other. Yes, mahal ko pa rin siya pero not just like those fairytale, I am not the princess to my prince. I am just his bestfriend and I will always support him.

"You may now kiss the bride!" That's my cue, I got up and walk away.

Buti na lang makulit sya, buti na lang matigas ang ulo nya, at least may Once upon a time kami, hindi man ako ang happy ending nya, alam ko na magiging masaya sya. And I will be a part of him always.

Once Upon a Time (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon