"ANO'NG sagot sa number 24, Aiden? Alam mo ba?" bulong sa akin ni Janine.
May sinasagutan kaming practice questions ngayon sa English kaya binulungan niya lang ako para hindi mabulabog ang mga kaklase namin. Isa pa, pangongopya 'yung pagtatanong niya sa 'kin ng sagot. Pero hindi na naman yata matuturing na pangongopya kung buong puso kong ibibigay 'yung sagot ko sa kan'ya.
Hinarap ko siya at inilapit ang bibig ko sa tenga niya para ibulong ang sagot. "Adjective," sabi ko.
Ito na naman. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit naming dalawa. I moved away from her like she's a burning furnace that is about to burn me alive.
Tumutok na ulit ako sa sinagutan ko. Buti na lang at nasa may dulo na ako kaya mabilis akong natapos. Nadi-distract na naman ako dahil nandiyan na naman siya.
Kinalbit ako ni Rowan. "Bakit sa kan'ya, binigay mo 'yung sagot tapos sa akin, hindi?" naiirita niyang tanong sa akin.
"Ayaw kong sabihin sa 'yo, eh. Bakit ba? Sagot ko naman iyon, eh," sarkastiko kong tugon.
She rolled her eyes on me. "I thought I'm your best friend? Bakit kay Janine mo binigay 'yung sagot kahit na hindi mo naman siya best friend?"
"Ano naman kung hindi ko siya best friend?"
Tinuktok niya ang lapis niya sa noo ko. "Siguro crush mo siya, 'no? Kaya na naman siguro sobrang bait mo sa kan'ya tapos lagi mo pang sinasabi 'yung sagot sa kan'ya kahit nagq-quiz tayo," paghihinala niya sa akin.
I tsked. Sasagot pa dapat ako ngunit nagsalita ang teacher namin. "Ano'ng pinag-uusapan niyo, Mr. Caparas at Ms. Buenviaje?"
Nag-angat ako ng tingin at tinignan si Ma'am Tagala nang diretso sa kan'yang mga mata. "Nanghihiram lang po siya sa akin ng eraser, ma'am," sagot ko at tinitigan na muli ang test sheet na tapos ko nang sagutan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay binulungan ko si Rowan. "Buti na lang hindi kita sinumbong. Mag-thank you ka sa akin," sabi ko at ngumisi. "Sabihin mo, 'thank you, pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa.'"
"Thank you, pinaka-gwapong kutong lupa sa balat ng Earth," sambit niya.
Akmang kukurutin ko siya sa tagiliran niya pero nagsabi na ang teacher namin na ipasa na ang mga papel.
Halos matawa ako nang makitang nagmamadaling nanghula si Rowan ng mga sagot. Nasa kalahati pa lang pala siya. Hindi na niya binasa ang mga tanong at basta na lang nagsulat ng mga salita sa blanks ng bawat question.
"Daldal pa, Rowan. Hindi ka pa pala tapos," natatawa kong sabi sa kan'ya nang maipasa niya ang papel niya.
She glared at me. "Patay ka sa akin kapag hindi ako nakapasa," banta niya.
"At bakit naman?" I retaliated.
"Dahil hindi mo ako pinakopya!" Medyo mahinang sambit niya, natatakot na marinig ng teacher at mga kaklase namin ang sinasabi niya.
Tinawanan ko siya. "Kasalanan ko kung hindi ka pumasa. Sino ba'ng hindi nag-review? Ako ba?" Tinuro ko ang noo niya at mahina itong utinulak. "Ikaw ang hindi nag-review, kayong dalawa ni Janine ang hindi nag-review!"
Sumabat si Janine. "Paano ako nadamay?" tanong niya.
"Madaya ka! Pareho kaming hindi nag-review pero siya lang 'yung sinabihan mo ng sagot," nagtatampong saad ni Rowan. "Hindi kita ililibre mamayang break time."
"Okay lang, may baon naman ako."
"Ugh!" Nagpapadyak pa siya kaya sinaway siya ng teacher.
Mahina naman kaming natawa ni Janine. Ang ganda talaga niya kapag tumatawa.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...