A/N: patawarin nawa ako ni Levin...pero kasi natawa talaga ako dito...
-------
saturday ngayon at kasalukuyan kaming naglilinis ng bahay...
''so Levin ano nga nangyare sayo??? Late ka na umuwi tapos may bali pa yang paa mo...'' si Vian
daig pa mama ko kung manermon...kung alam ko lang gusto lang nila makachismis...
''oo nga Levin san ka ba galing??'' si Aly
''nakipagdate ka siguro kay Bryan noh?!!'' si Tin
''Asa!! Sinama lang ako ni Mr. Cruz...tapos dahil sa bruhan malanding babae na nang-iipit ng boobs nya kaya ako nabalian sa paa...tinalisod kasi ako eh...'' paliwanag ko...
''sigurado ka dahil tinapilok ka nya??'' si Vian, nang-aasar
''para namang lahat ng nangyayare sakin dahil sa ka-clumsihan ko...''
''OO'' sabay sabay nilang sagot...grabe sila...lahat na lang...
''ano ba yan Levin!! Kadiri ka!! Pwede ka namang gumamit ng tabo eh!!'' si Vian...ung itsura nya diring-diri...
''oo nga Levs!! Kadiri...'' si 'y ganun din ang itsura
''ang cool nyan Levin ah... Sana matapos ka kaagad dyan sa pag-higop mo ng tubig sa aquarium natin hahaha!!'' buti pa si Tin sinusuportahan ako sa ginagawa kong paghigop ng tubig sa aquarium namin...nakakatamad gumamit ng tabo eh..saka dahan-dahan naman..di ko naman nilulunok..kapagnasa kalahati na nung manipis na hose yung tubig diretso sa timba na sya...
''kadiri talaga...'' si Vian tapos punagpatuloy na lang nya yung papupunas ng bintana...
''so ano nga...magkwento ka na...'' si Aly
''oo nga Levin, hinatid ka pa talaga nya ah!! Siguro binuhat ka nya papasok dito sa bahay...'' si Tin
''tapos papasok sa kwarto mo....tapos...nung nakarating na kayo sa loob ng kwarto mo...'' si Aly
''dahan-dahan ka nyang nilapag sa kama mo...tapos...'' si Tin ulit
''tapos nag-kiss kayo---- YAAAAKKK!!! 'LEVIN KADIRI KA!! WAHAHAHAHAHA'' silang dalawa
''AAAHHHCCCCKKKK''
''anong nangyare???'' tanong ni Vian
yung dalawa tawa lang ng tawa
''eeeww!! Nainom mo yung tubig?? Yak!!'' si Vian naman natatawang nadidiri...
Sige tawanan nyo lang ako...ganyan kayo eh!!
Kadiri! Sira ulo kasi yung dalawa eh!! Nadala ata ako sa kwento nila...kaya nadiredirecho ko ang higop!! Yaaakkk!!
''L-le-levin!! Wahahahaha!! A-anong...hahahaha!!! Anoing lasa??? Hahahahah!!'' si Tin...walang tigil sa pagtawa
''sh*t kadiri hahahahaha!! Potek!!'' actually silang tatlo ang walng tigil sa pagtawa...
Tumakbo ako sa kusina para magmumog...
Nakailang mumog ata aq pero nararamdam ko parin yung tubig galing sa aquarium sa bibig ko...
Malansa na may pagkamalgkit na marough ung tubig...
Bumalik ako sa sala at inabutan ko sila na tumatawa parin...
Ang sasama nila...
''grabe di kayo makamove on...'' nasusuka pa rin ako...
''ang kulit mo kasi eh...'' si Vian
''gusto mo na yata palitan yung janitor fish eh...'' si Aly
''Levin...da best ka talaga...hahaha inagawan mo ng trabaho ang janitor fish...'' si Tin
sige lang mang-asar lang kayo...
Tingilan ko na ang paghigop sa tubig ng aquarium...
''magkwento ka na kasi Levin...'' si aly
nakamove on na kame sa aquarium...
''wala naman akong ikukwento eh...''
'' wala daw...ano nangyare sa date nyo?'' si Vian
''ayun, pumayag akong magimng fake gf nya tapos pumayag din ako na tapilukin nung Yoana na yun!! Pero ok lang may GS naman...si Matthew... Tapos ayun dahil nabalinganga nga yung paa ko, binuhat ako ni Mr. Cruz....''
nalala ko na naman yung naramdaman ko nung time nayun...
Hindi kaya nagkakagusti ako sa kanya?? Pero ang bilis naman kung ganon...
''oh natahimik ka dyan...'' si Tin
''posible bang magkagusto ka sa isang tao ng mabilisan lang??'' tanong ko sa kanila
matagal na walang nagsalita samin...iniisip rin siguro nila kung posible yun...
''posible naman siguro...'' si Vian
''pagtinamaan ka ng pana ni kupido...at tumibok ang puso mo'' si Aly
''wala ka ng magagawa kundi sundin ito...'' si Tin
''kanta yun Tin ah!!'' si Aly
''oo wala ako masabi eh... Pero siryoso Levin...kapag tinamaan ka naman talaga kahit anong pigil mo, mamahalin at mamahalin mo parin sya... Di mo mapipigilan yun kasi di natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin... Kusa yang titibok...'' si Tin, halatang may pinaghuhugutan
pero kasi diba minsan, akala natin kapag tumibok yung puso natin nagmamahal na tayo...ung kakaibang tibok ba ng puso isa lang ang interpretasyon??? Ibig sabihin lang ba kapag tumibok ang puso natin ng di tulad ng normal eh nagmamahal na nga tayo??? Pano kung nasobrahan lang tayo sa saya?? Aasa tayo na nagmahal na nga tayo tas bandang huli marerealize natin... Masaya lang pala akong kasama sya pero di ko naman pala sya mahal...tumibok ung puso ko ng abnormal pero di dahil nagmahal ako...kundi sumobra lang ang saya ko
...
Ganun kaya yun???
---
sana natawa kayo kahit ang korni...
Peace tayo Levin!!
Comments! reactions! votes!!
Consider reading my other stories!! Thank you!!
>csg_rimanellee