" Stop staring at me Zandy." he's awkward
"I just can't believe that we are connected. I mean small world talaga." Ang natutuwa kong sabi na tila kinikilig sa saya na makita ko ang tanging tao na tumulong sa akin noong bagsak na bagsak ako. Maybe my hormones too are reacting because I'm pregnant.
Of all the people here, siya lang ang binigyan ko ng atensyon. Pinagsilbihan ko pa siya. Ako na ang kumuha ng makakain at maiinom niya. Hindi ko siya tinantanan, habang sumusubo siya ng pagkain ay masaya akong nakikipagkwentuhan sa kanya.
Ibinalita ko na nagkaayos na kami ng asawa ko dahil pinakinggan ko ang mga payo niya sa akin.
Nagtatanong ang mga mata ng mga tao sa paligid namin. Nagtataka siguro kung paano kami naging magkakilala ni Marko.
"Magseselos na ba ako Marko?" Nakangiting nilapitan kami ni Luna
Lumaki ang mga mata ko sa pagkakatitig sa dalawang nasa harapan ko.
"Si Luna ba yung babaeng mahal na mahal mo?" Gimbal kong tanong
Narinig namin ang malakas na kalampag ng kutsara sa pinggan. Nakita ko sa aking paglingon ang mala apoy na mata ni Alpha na nakatingin sa amin at ang nagliliyab namang galit ng asawa ko na mukhang umuusok na ang ilong. Ano na naman ba ginawa ko?
"Perdonala Mio Re." (forgive her my king.) saad ni Marko habang nakatingin kay Alpha.
"Zandy, maawa ka naman sa akin. Gusto ko pang makasama ang babaeng mahal ko." Malumanay at nailing iling na sabi ni Marko sa akin.
"And you my queen, abbi pietà di me." (have mercy on me) Napipikon pa niyang saad kay Luna na tila tuwang tuwa sa pagiging helpless ni Marko.
"Sorry, akala ko ang girlfriend mo ay si Luna." Napapangiwi kong sambit, mamaya itatanong ko kay Neith kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang lumabas sa bibig ni Marko.
Narinig kong tumawa silang dalawa. Mukhang at ease ang dalawang ito sa isat-isa.
"Nililigawan pa lang ako ni Marko para tulungan siyang hanapin ang minamahal niyang prinsesa." Makahulugang sumulyap si Luna kay Marko. Nakita kong nagkibit balikat lamang ito.
Unti-unting pinalibutan kami ng mga kaibigan ni Neith, ang asawa ko naman ay tumabi sa akin at halatang nagpipigil lang ng galit.
"Tell us ate, paano kayo nagkakilala?" nagtataka ang mata ni Vera.
Dahil masayang masaya ako sa mga blessings na natatamo ko ngayon at okay na okay na kami ng asawa ko plus nandito lahat ang mga taong tumulong at nakaagapay sa amin ng asawa ko, naging matabil ang dila ko sa kakakwento.
Masyadong mataas ang adrenalin ko sa pagsasalaysay sa kanila mula dun sa nakita kong nakikipaghalikan si Neith kay Velma, sa pagkikita at pagkakausap namin ni Marko sa parke hanggang sa pagkakakidnap sa akin. Nakikita ko ang matatalim na titig ni Kuya Altis at Vera kay Neith. Napapangiwing hinawakhawakan ni Neith ang kaniyang sintido.
"Yang Velma na yan masasabunutan ko na talaga." Nangangalaiti nitong bigkas
"Unahin mo muna kuya mo." Matalim naman kung makatitig si Kuya Altis kay Neith.
"Wifey oh, inaapi ako ng kuya mo." Nag puppy eyes pa ang gwapo kong asawa. Nakangiwi na ang itsura ng mga tao dito. Hindi yata iniexpect ang nagsusumamong isip batang si Neith.
''Akala ko pa naman pinaglilihian mo si Del Mundo." Natatawang biro ni Monti.
"Okay yun, para gwapo naman ang anak ni Oliveros." Pang aasar pa ni Kaide
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
General FictionPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...