Huling Hatid

761 35 19
                                    

Naaalala ko 'yung sinabi mo sa akin noong huling hinatid mo ako, "Ingat ka ha? I-text mo ako kaagad 'pag nakauwi ka na. I love you!"

Naiinis ako sa 'yo! Ang kulit mo kasi e. Sinabi ko naman sa 'yong 'wag mo na ako ihatid, kaya ko naman umuwi mag-isa.

'Di ba sinabi mo gusto mo ako palaging makasama nang mas matagal, kasi tuwing nagkikita tayo parang ang bilis ng oras 'di ba? Pero bakit ganun, ikaw naman ngayon ang nang-iwan.

Naaalala ko, sinabi mo na ayaw mo nang mahiwalay sa akin, at ayaw mong dumating tayo sa point na 'yun. Sabi mo kuntento ka na sa akin, kahit na minsan 'di tayo magkasundo at palagi tayong nag-aaway. Sabi mo magtutulungan tayo kapag may problema. Sabi mo ako na 'yung last mo at ikaw na rin 'yung last ko dahil gusto mong ako na 'yung makasama mo habambuhay.

May kasalanan ka tuloy sa akin. Hindi mo na matutupad 'yung mga ipinangako mo. 'Yung sabay tayong tatanda. Tsaka 'yung mag-aalaga tayo ng maraming aso para sila muna 'yung anak natin. Tapos 'yung sabay tayong matutulog at gigising, tapos pagkagising mo iki-kiss kita kahit na pareho tayong hindi pa nagtu-toothbrush. Ang dami nating pangarap para sa 'ting dalawa pero mukhang imposibleng matupad pa 'yung mga pangako na 'yun.

Alam mo mami-miss kita. Mami-miss ko 'yung ikaw na nakilala ko. Mami-miss ko 'yung boses mo habang sinasabi mo sa akin 'yung "I love you", 'yung hawak ng kamay mo sa kamay ko kahit na palagi kang pasmado, 'yung amoy ng pabango mo tuwing niyayakap mo ako, 'yung panlilibre mo sa akin ng pamasahe sa jeep, 'yung pagbibitbit mo ng bag ko, 'yung pagkain natin ng kwek-kwek, 'yung pakikipagpuyatan sa 'yo kasi naka-unlicall ka. Lahat 'yun mami-miss ko at marami pa.

Pero ang pinakamami-miss ko ay ikaw mismo. Ikaw na palaging bumabanat ng pick-up lines kahit corny. Ikaw na ang cute kapag naiinis. Ikaw na mabagal magreply sa text. Ikaw na pumipisil sa braso ko tuwing nanggigigil ka. Ikaw na nasa tabi ko. Ikaw na ipinaramdam sa akin na mahalaga ako.

Ikaw na nagturo sa akin kung paano umibig at ikaw na nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal.

Maraming salamat sa sandaling panahon na nakasama kita. Maraming salamat sa mga alaala. Hindi ka mawawala dito sa puso ko. Salamat sa paghatid mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling HatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon