NDWH (Short Story)

15 0 0
                                    

*Steffie PoV*

Busy ako ngayon sa kattxt. Lalo na't katxt ko yung crush ko. Si Matteo.

'Gusto mong sumali sa Clan?'

Tanong nya. Anong claseng clan kaya? Pero sige. Sasali ako basta kasali din sya.

' Kasali ka ba sa Clan na yan? '

Tanong ko sa kanya. Hindi naman masyadong halata na crush ko sya no? Haha. Sa totoo lang alam nya na crush ko sya.

'Oo, sali kana Dali! Pasahan kita nang form'

Di naman sya masyadong atat? Slight lang.

'DepartMent of Sweet Love Clan'
If you want 2 join just fill up diZ fOrm .... '

Ay Meganun? Sige na nga!

Name: Steffie
Age: 14
B-day: 04/02/98
Location: Castillejos Z.
CodeName: Sweet Angel
Recruiter:

Hala! Di ko alam kung anong code name nya.

'Ay! Sya nga pala! Yung codename ko Blade:)'

Ayun! Buti nagtxt sya. Blade? Patawa sya? Bakit blade?

Recruiter: Blade
-Sent-

Matapos Kong isend ang daming nag welcome saakin. Halos kakilala ko rin yung iba.

Naging masaya ako sa clan na Yun. Naging List maker ako at banging Cofounder. Close ko kasi yung Founder eh. Si Winston.

Hanggang dumating yung araw na Lagi na kaming tinutukso sa Clan namin. Pagkatapos nang EB. Classmates ko pala ang karamihan at classmates. Nya rin yung iba.

'Steffie, Kung sakaling liligawan kita sasagutin mo ba ako?'

Exactly 5:00 am ko natanggap yang txt na yan. 4:30 am kasi gising na ako.

'Huh? Ano yan Jowk? Wag ka nga ganyan? Haha!'

Syempre uunahan ko na baka mamaya Joke lang yan. Mahirap na malagay sa mga ganyang sitwasyon.
'Hindi ako nagjojoke totoo to promise'

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nilapag ko muna yung phone ko at pinikit yung Mata ko.

Pano kung paglalaruan nya lang ako dahil alam nya yung nararamdaman ko para sa kanya? Pano kung sasaktan nya lang ako?

Pero pano naman kung totoo? Sasayangin ko ba?

Ano bang gagawin ko? At isa pa I'm only just 14. Masyado pa akong bata at ganon din sya.

Kinuha ko ulit yung phone ko para Sana replyan sya. 5 messages. Lahat galing sa kanya.

'Steffie, seryoso ako please give me a chance'
'Steffie, please'
'Steffie, I'm sorry kung nabigla kita..'
'Kung gusto mo nang time bibigyan kita'
'Steffie, Please.. I beg you'

Argh! Hindi ko na talaga alam!

'Sige'

Reply ko sa kanya.

'Anong sige?'

Ano nga bang sige? Argh! Steffie! Ano bang nangyayari sayo?

'Sige papayag na ko na magpaligaw sayo .. '

Parang kinikilig ako na parang naiinis sa sarili ko. Hindi ko maintindihan.

'Salamat steffie!

Di ko na sya nireplyan. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin sa kanya. Nagsimula nalang ako mag ayos nang gamit at naligo para makaprepare sa pagpasok .

Pagkarating ko sa school. Kalat na kalat na nanililigawan ako ni Matteo. Si Matteo kasi hearthrob sa School namin yan. Isa pa yan kaya nag aalangan akong pumayag para ligawan nya.

Nine days With Him (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon