Hello there??? Are you enjoying??? Hihihi im sorry for my poor story, i hope you still liked it even though. So, here's the next update. Keep reading beautiful damsels. :) sorry po sip-sip si author ngayon hahaha
,.................................................
Biglang nag rally ang mga alaga ko sa tyan kaya pumunta agad ako sa school cafeteria. Palabas na sana ako ng may napansin akong pamilyar na pigura sa gilid ng mga mata ko. Kumakaway sya sa akin. Naka suot ng 3/4 shirt na kulay white at blue naman sa bandang braso, tinernuhan ng brown jeans. At ang buhok, infarness ang gwapo talaga as always!!!!
Dugdug....dugdug......
Mr. Heart, heto na naman tayo? Ok ka lang ba riyan? Wari ko'y nagwawala ka na naman dyan. Hay naku! Ilang pintig na naman kaya ang mabibilang mo sa loob ng isang minuto?
Hey! How about you mr. Brain? Di ba puyat ka na naman kagabi, sa kakaisip sa kanya? Pasensya na, heto na naman kasi sya, sa harap ohhh... siguradong panibagong puyat na naman mamaya. Huy! Gising! Gaga, gising! Tulaley na naman yang peg mo!
Wow grabe ang lupet naman ng konsensyang 'to kung maka gaga naman kinarir talaga. Haisttt kung hindi lang kita konsensya pinapatay na kita sa author eh, close kaya kami nun. :)
Dugdug....dugdug...
Gosh ako ba ang kinakawayan nya??? Hihihi haba ng hair.
Heeeeee! Wag kang assuming nakakamatay yan!
Emeged! Kahit kelan talaga ang konsensyang 'to! Huhuh
Totoo ba 'to? For the second time around lalapitan nya uli ako? Ayeyeyeye .......papalapit na talaga ang prince charming ko...hmmm maunahan nga 'to.
"Ha----" hindi pa nga ako natatapos ng bigla siyang magsalita.
"Hi Jane" malambing nyang sabi.
What??? As in Huwaaaaat!!!! Jane?? S-sino yun? Shin ako, hindi Jane.. bigla akong napaisip who's Jane? Nagulat ako nang bigla nya akong lampasan, heto po ako ngayon nakanguso. Pumunta sya sa table ng dalawang babae sa 'di kalayuan. Mapuputi ang mga ito at pawang maiikli ang mga damit, aba! Nagtitipid yata ng mga tela ang mga ito! Tumaas ang kilay ko.
"Oh, hi Kim kanina ka pa ba dyan?" Sabi ng isang babae sa asawa ko, hehehe este crush pa lang pala. Tsk ganun na rin yun pasasaan ba't ako ang bida rito syempre kakausapin ko ang author na ang lalaking to ang magiging asawa ko. Hahaha landi naman nito! May pa beso-beso pang nalalaman eh kung tusukin ko kaya ng tinidor yang pisngi mong binudburan ng isang sakong blush on!!!
"Jane, kanina ko pa kayo kinakamayan 'di nyo man lang ako napansin?" Tanong nya sa dalawang babaeng kausap.
Soooo, sya pala si Jane. Nanatili lang akong nakatayo at nakatunganga rito habang nakatingin sa kanila.
"Oh, we're really sorry babe, ang dami kasing tao rito eh" sabi ng babaeng nagngangalang landi, este Jane pala.
"Ay! Ang sweet naman ng magkasintahang 'to, hmmmm maka-alis na nga muna" nakangiting sabi nung isa.
BABE? As in capital B-A-B-E??? taken na si JK!!!! O-M-G! mamamatay na yata ako. Halos mabitawan ko ang hawak kong pagkain, nagdurugo ang puso ko, parang may tumutusok! Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Napatingin si Jane sa akin ngunit hindi ko sya pinansin at nakapako lang ang paningin ko kay JK. Naramdaman kong lilingon si JK kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng caf. Saan ako pupunta??? Ewan ko! Basta kung saan ako dadalhin ng mga paa ko dun nyo nalang ako matatagpuan, ang mahalaga maka-alis ako sa lugar na 'to sa lalong madaling panahon.
"Sino 'yon?" Tanong ni Jane.
"Huh?, sino? Hmmm ewan, baka estudyante din malamang " huli kong narinig sa kanilang pag-uusap.
BINABASA MO ANG
" You Got Me, My Cute Little Baozi" (Exo Xiumin Fanpic)
РазноеAng pag-ibig ! minsan patas, minsan rin madaya. Minsan ang kahulugan nito'y nababago dependi sa sitwasyon at interpretasyon ng isang tao. Minsan kapag tayo'y nagsimula nang magmahal hindi natin maiiwasan ang lumuha' t masaktan dahil ika nga, " kapag...