Chapter 40: Baliw

47.2K 1.3K 112
                                    

Chapter 40: Baliw

 

Naka-off lang ang phone ko ng dalawang araw dahil baka mai-text ko pa siya at pagsabihan na wala siyang kwenta.

Ngayon ay nasa school na ako at hindi ko alam kung paano ko haharapin si Damian. Kanina lang ay sinabi na nilang papasok na siya ulit at nabigyan na nga raw ng test ulit si Kit. Napasa naman daw niya ito kaya na-lift na ang case sakanya.

Just act cool, JL. You’re too gorgeous to mind.

Inihilig ko ang ulo ko sa lamesa. I’m too tired. Feeling ko ay sumabak ako sa marathon kahit wala naman akong ginawa ng dalawang araw.

“Ang pangit mo JL.”

“Nagsalita ang mas pangit sakin.” Panglalait ko kay Leo.

“So nabalitaan mo bang nahulog sa hagdan si Pauline?”

“And?”

“So alam mo na?”

“Natural. Birthday ko lang naman nangyari yon.” Iniwan kaya ako ni D para sakanya. Kainis.

“Gusto mo bang sumama sa Wednesday? Walang pasok ng dalawnag araw. Baka lang gusto mong sumama samin. Sabihan mo ko kung gusto mo mag-swimming.”

“Sige.” Sagot ko sakanya habang hindi pa rin inaangat ang ulo ko.  Hindi ko na nga rin namalayan ang pag-alis niya. Gee, that girl! Kelangan pang i-remind saakin ang nangyari.

Pumikit muna ako at napansin kong nagiging tahimik na ang buong faculty. Maybe umalis na sila para sa flag ceremony.

I’m too tired to get up. I’m not even fired up to teach later.

Sana ganito nalang lagi. Tahimik. Walang estudyanteng pumapasok sa faculty. Walang pinapagalitan.

Huminga ako nang malalim at handa na akong matulog nang biglang may nakakabinging sumigaw ng BOO sa tenga ko!

“Miss me?” Nakangiting tanong pa niya saakin.

“What the heck D? I’m resting!”

“Dapat sa infirmary ka. So, namiss mo ba ako?” That grin. I hate that freaking grin!

“Stop flirting D.” Nakahalukipkip kong iniharap ang upuan ko sakanya. Nakangiti pa rin siya. Nakakainis.

“Walang I’m glad you’re back?” Umirap ako dahil sa tanong niya. “Nagpamiss ako ng dalawang araw para naman mamiss mo ako kaso walang effect.” Umiwas ako ng tingin dahil ngayon ay nagpout pa siya. Like what the hell is wrong with him?

“D, akala ko ba okay na sayong hiwalay tayo?”

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon