PASUKAN na naman at tapos na ang bakasyon. Parang kailan lang ay kakatapos lang ng pasukan tapos ngayon ay pasukan na naman. Buti pa sila Phineas and Ferb, may 104 days of summer vacation. Kami ay parang 60 days lang, eh.
"Isuot mo na ang sapatos mo, anak. Male-late ka na," utos sa akin ni nanay.
Isinuot ko na ang bago kong sapatos. Tuwang tuwa ako nang malaman kong bibilhan ako ng sapatos. 'yung sapatos na ginamit ko last school year ay nakanganga na.
I wore my uniform and buttoned it. Kinuha ko ang bag kong bagong bili rin.
I don't know what happened, but we suddenly had so much money. Basta na lang nag-abot si tatay ng malaking halaga ng pera kay nanay. Ang sabi ni tatay ay nanalo daw siya sa online lottery kaya nagkaroon siya ng maraming pera, pero sa totoo lang ay mas malaki pa ang natalo niya doon kaysa sa napanalo niya.
"I love you, 'nay. Mauuna na ako!" paalam kay nanay at humalik sa pisngi niya.
Paglabas ko, nandoon na si tatay na nakasakay sa tricycle namin. He's in good mood today kaya siya ang maghahatid sa akin. Ang kapatid ko namang lalaki ay mamaya pang hapon ang pasok. Ako lang ang pang-umaga sa aming dalawa dahil whole day ang pasok ko.
I wish that father will be in good mood for the next years. Takot na takot talaga ako kapag may toyo siya. Para akong naka-harap kay Goliath sa tuwing may toyo siya.
"JANINE!" I shouted when I saw Janine sitting on an armchair. She's wearing her uniform, and there is a cute violet clip on her hair.
Inilagay ko ang bag ko sa armchair na katabi ng kan'ya bago siya hinarap. "Kumusta ka?" tanong niya habang nakangiti. She flashed her white teeth.
"Ito, maayos naman. Buhay pa naman," sagot ko at mahinang natawa. I don't know what to say to her. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya pero parang biglang nakalimutan ko ang lahat ng mga 'yon.
I want to ask her what she meant when she said that I'm her crush pero hindi ko mahanap ang lakas ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit ako naduduwag ngayong kaharap ko na siya.
I want to ask her now habang hindi pa dumarating si Rowan dahil siguradong aasaran niya lang kami ni Janine.
"How's your vacation?" tanong ko na lang dahil nakatingin lang siya sa akin na para bang naghihintay ng mga salitang sasabihin ko pa.
"We went to Tagaytay! Nakita ko 'yung taal volcano," pagkukwento niya. Ako naman ay nakikinig lang habang nagkukwento siya ng mga nangyari sa bakasyon niya. Tumatango-tango lang ako kahit na may mga tanong akong gustong itanong sa kan'ya tungkol sa kinukwento niya pero hindi ko sinabi dahil ayaw kong putulin ang pagkukwento niya.
I somehow feel motivated to listen to her story. Hindi ako nababagot sa kakapakinig sa mga kwento niya.
"Anyway, Aiden," putol niya. "Nakita kita sa sa SM Rosario no'ng bakasyon. You were with your grandparents yata. Lalapitan sana kita kaso bigla kayong umalis kaya hindi na kita hinabol."
"Really?" Kaya pala parang nakita ko siya no'ng nag-SM kami. Akala ko ay namamalikmata lang ako pero hindi pala.
Naputol ang pagkukwentuhan naming dalawa ni Janine nang pumasok sa classroom si Rowan na naka-sumbrero pa.
"Mukha kang tomboy," pang-aasar ko sa kan'ya.
Tinanggal niya ang sumbrero niya at inihampas ito sa akin. Nasalag ko naman ito. I just laughed.
"Hindi ko ibibigay 'yung pasalubong ko sa 'yo!" ani niya.
"Anong pasalubong?" pakikiusyoso ni Janine.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...