Gabby
Nasaan na ba si Cha??? Siya 'tong excited na excited pumasok kahapon pero hindi naman pala siya papasok ngayon! Ano ba yan napapalibutan pa ako ng mga exotic na animals. Wala man lang akong kakilala dito! Actually meron, yung mga classmate ko. Kaya lang wala akong pake sa kanila.
Halos wala naman akong ka-close sa mga 'to eh. Siguro kasi ayaw nila sa ugali ko kaya ayaw nilang magtangka na makipag-usap sa akin. Hmp! Hindi naman sila kawalan. Mas okay nga yun eh.
Merge pa pala kami ng isang course na ewan, chura mukhang mga jeje. Ang weird pa ng mga tingin nila sa akin mukha silang cannibal. OMG nasaan na ba si Charity wala me friends here!
"H-hi uhm... Uhmmm.."
Biglang may lumapit sa akin na isang weirdong babae. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita sa buong talambuhay ko.
"Yes?" Tanong ko sabay hikab.
"Uhmm.. uhm........."
"Anong problema girl? Autistic ka?" Sorry ang bitch ko. Kasi naman wala akong patience sa ganito. Gusto ko pag may sasabihin, sabihin agad! Pa-thrill pa eh.
"MAHAL NA MAHAL KITA SANTANDER!!!!! PWEDE BANG MAGING TAYO???!!!"
Umalulong ang boses niya sa buong classroom. Halos lahat ng estudyante nakatingin sa aming dalawa. Hahahahaha! Grabe joke ba 'to? Kasi hindi nakakatawa kundi nakakahiya. Nasa Wow-mali ba ako? Nasaan ang camera?
"HA HA HA. Seryoso ka?"
"Oo seryoso ako Santander! Unang beses pa lang kitang nakita, na-inlove na agad ako sayo!"
Mukhang seryoso nga siya. Hindi siya tumatawa eh.
Pinagbubulungan na kami ng mga estudyante. Oh my Lord. Famous nanaman ako. Seriously? Sino ba 'tong babae na 'to na bigla na lang susulpot na parang kabute tapos magko-confess ng undying love niya para sa akin?
"Bakit mo ako nagustuhan?"
Di ko alam kung bakit lumabas yung tanong na yun sa bibig ko. Sa totoo lang ngayon lang kasi may nagconfess sa akin. Tapos babae pa.
"Kasi mataray ka. Ang prangka prangka mo tapos ang taas pa ng self-confidence mo. Bihira lang yung mga babae na tulad mo. Sobrang hinahangaan talaga kita."
Wow. Parang mas mukhang lait yun sa pandinig ko kesa puri ha. Akala ko pa naman nagustuhan niya ako dahil super pretty ko at maalindog.
"Ano name mo?"
"Princess Clemente."
Haha! Princess. Nice name. Di ko mapiglang matawa sa harap niya. Eh kasi naman ehhhhh...
Pinagmasdan ko yung mukha niya. Kung tutuusin cute siya. Maamo yung mukha niya at parehong kulot yung buhok namin kaya lang maikli yung sa kanya. Wala naman siyang masyadong make-up. Naka red lipstick lang siya na bagay sa white complexion niya.
Di ko namalayan na sobrang titig na titig na pala ako sa kanya hanggang sa bumaba na yung tingin ko sa neck niya tapos sa boobs niya pababa sa
WHAT THE F*CK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Seriously????? Bakit ko tinitignan yung katawan niya??? EWW EWW EWW!!!
What the hell!!! I'm a motherf*cking straight. Nababaliw na siguro ako. Nahawaan na ako ni Grant ng pagiging autistic niya! Tama, nahawahaan niya lang ako. Autisic na din ako.
"Listen Princess, straight kasi ako..."
Di ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. Ano bang dapat kong sabihin? Never pa akong na-involve sa mga homosexual chuchu na ganyan.
"Naiintindihan ko. Atleast nasabi ko sayo yung feelings ko. Thank you Santander kasi pinakinggan mo ako."
Malungkot siyang umalis at bumalik sa upuan niya. Tinakpan niya yung mukha niya ng dalawa niyang kamay. Sign yun na umiiyak siya. Nilapitan siya ng mga classmate niya para i-comfort. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa. Sana hindi na lang ako ang minahal niya para hindi siya nasaktan.
Humarap na lang ako sa whiteboard na para bang walang nagyari. Sa totoo lang ayokong nakakakita ng mga tao na nasasaktan lalo na pag alam ko na hindi naman nila deserve. Saka naiintindihan ko siya kasi ilang beses na din ako na-reject. Oo, hindi halata sa akin no? Ganda ko kasi eh. Pero hindi talaga kami pwede eh. Straight ako saka May Daddy Romeo na kasi ako. Sure naman ako na makakahanap pa siya ng taong mas deserve niya, yung hindi siya sasaktan at mamahalin siya ng totoo. Shet ang drama ko. Paki send niyo naman 'to kay Ate Charo. HAHAHA.
Napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga classmate ko tapos nagbubulungan sila. Tinignan ko sila ng masama. Napansin nila yon at tumalikod na sila. Nakakainis talaga 'tong mga classmate ko na impakta. Iba talaga pag pretty eh, laging pinag-uusapan.
15 minutes break daw pero feeling ko forever na. 20 mintues na ang nakakalipas pero wala pa din yung prof namin. Natabunan na ata ng pagkain. Ang taba kasi eh. Dapat andito na siya! Kasi baka mamaya may lumapit nanaman sa akin hay nako di ko na keri ha. Ang hirap maging beautiful.
Sa unahan ako nakaupo tapos naisipan ko na tumingin sa likod. Hindi ko na nakita dun si Princess. Siguro lumabas siya o malay ko. Wala na akong pake. Madami pang wala sa classroom. Siguro yung iba nainip na sa prof namin. 20 minutes na lang kasi ang klase niya tapos nag attendance na din siya kaya siguro yung iba naisipan ng magliwaliw.
Nagulat ako ng nakita ko ang autistic kong kapatid. Nakaupo siya sa may pinaka likuran. Sakto na pagtingin ko sa kanya tumingin din siya sa akin tapos inirapan niya ako. GRRRRRRRR! Bading ata to eh lakas mang-irap!
Hindi kami nag-uusap o kahit pansinan man lang ni Grant sa school. Kaya nga nagugulat na lang yung mga estudyante at prof pag nalaman nila na magkapatid kami.
May nakita akong isang babae na nakatingin sa akin. Tapos dali dali niyang inalis yung tingin niya nung napansin niya na nakatingin din ako sa kanya. Parang namumukhaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Hay nako wala akong pake!
Himala hindi ko ata nakikita yung pagmumukha na mukhang paa ng devil na si Millicent? 1st day of class absent agad siya? Sana ituloy-tuloy niya na yung pag-absent niya para ma-drop na siya at di ko na makita yung kadire fez niya. WAHAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Our Playful Secret (girlxgirl)
Humor[Romance/Humor] ❤ "Kung iisipin mong mabuti wala naman dapat akong pake dito eh. Di naman big deal kung nakakakita ako ng lesbian couples, dumadami na kasi sila eh. Malamang marami akong makikita na tulad nila. Yun namang pagtingin ko sa mga magagan...