Dumating ang lunch time at nagpaalam ako sa tatlong iyon. Dumeretso ako ng cafeteria umaasa makikita na doon si myeong. Pero laking gulat ko na ang hall na pinagganapan ng pagpili ng mga sandata namin ay siyang cafeteria na napuntahan ko. "xion!" sigaw ni hwanwoong na nasa kabilang dulo, kumaway si keonhee sa ere. Ngumiti naman ako kaagad nung nakita silang magkakasama. "tara" aya nila sa akin. Sabay sabay kami pumasok sa hall at naupo sa bandang gitna pero nasa gilid. "kamusta?" tanong ni cya. Kumamot ako sa likod ng tainga, "ok naman" tipid kong sagot. "bawal ba magpalit ng sandatang sasanayin?" tanong ko. Sabay sabay naman sila nailing. Napakagat labi ako, "im doom.." bulong ko.
"bakit di ka ba masaya sa archery?" tanong ni keonhee habang kumakain. "balita ko yung bisita ang trainer ng archery" sabay sabi ni hwanwoong. "halatang di ka nakikiniig. Sinabi kaya iyon kahapon" keonhee mocked. "huy, kayong dalawa na naman" sita sakanila ni cya. Ang dalawa ay parang baliw bigla na lang tumawa sa isat isa. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa kinakain. Mamaya kasi ang klase ko ay ang pagsanay sa pagagalaaw ng bagay gamit utak, kasama ko si keonhee roon kaya sabay kami pumunta sa klase.
Habang naglalakad papunta sa klaseng naming iyon ay may nakabangga sa akin. "di ka ba magsososorry" maangas nito tugon at tinulak pa ako sa may balikat ko. Napahawak naman ako roon dahil malakas ang pagtulak niya sa akin. "dongyun, pre bago lang yan." Pagpigil sakanya nung kasama niyang babae. Magsasalita na sana ako kaso hinila na ako ni keonhee. "may masakit ba sayo?" tanong nito at tinignan ang balikat ko. "ayusin mo ang pin mo, mukhang yan ang gusto nung mokong na yun" sabi niya habang hinawakan ang pin ko. Parehas kami ng hugis pero sakanya ay singsing. Inayos ko naman ang pin ko bago kami naglakad muli. Halos lahat sila dito ay naka purple over all. Bilang rin kami dito dahil ang sabi hindi lahat ng nasa purple castle ay may kakayahang magpagalaw ng bagay gamit utak. "that's mean you are unique" sabi ni prof jiwon. "pag may kakayahan ka na kakaiba. Tulad niyo, you can move things using your mind" dagdag nito. "pero sainyo ko lang to sasabihin, purple and green are unique. May mga katangian sila na parehas sa isat isa pero mas makapangyarihan ang green" ngiti nitong sinabi.
Ramdam ko ang pagsiko sa akin ni keonhee na siyang katabi ko. Tinaas baba niya ang kilay niya and playfully smile at me! "mukhang may bago tayo.." habang sinasabi iyon ni prof jiwon ay nakatingin ito sa akin. Ako lang pala ang naiibang damit. "greens" she tilt her head parang tinitignan ang mga mabuti sa magkabilang gilid ko. I shyly smile. "wag kang susuko. Fighting!" sabi niya saka nagturo.
Pagkatapos nung klaseng iyon ay wala na akong klase. Pumunta ako doon sa lugar kung saan kami nagtraining ng archery. Sinanay ko ang sarili kung paano humawak ng bow at ang pagkuha ng mabilis ng arrow. Makalipas ng ilang minute di ko pa rin nagagawa ng tama ang tinuro ni jiyeon. "argh!!!" sigaw ko. "suko ka na?" tanong ng babae, luminga ako at hinanap ang boses na iyon. "kanina ka pa?" tanong ko kay jiyeon na preskong nakaupo sa lumulutang na ulap.
Pumunta ito sa kung saan ako nakatayo habang nakaupo pa rin doon sa ulap. "hanggang kaylan ka magbabakat anyo?" tanong ko sakanya, imbis na sagot ang matanggap ko mula rito ay batok na sobrang lakas. Hinawakan ko ang ulo ko at na nguso na lang. "hanggat di ka umaabot sa competition. Ayun lang naman ang mission ko dito eh" kibit balikat niya. "bakit ako?" tanong ko ulit habang nagprapractice ng tamang hawak sa pana. "eh ikaw yung lalaking pinakita sa mahiwagang salamin" sagot nito."marami kang klase na dapat pasukan ah, bakit ka nandito?" bigla tanong niya. pinakita ko ang schedule na binigay sa akin ni head mistress jieun.
"lahat ba talaga ay papasukan ko?" nagsasawang tanong ko. Yung iba naman kasi roon parang walang kinalaman sa akin at sa kakayanan ko. "alam mo mali ang hawak mo eh" pagiba niya ng topic. Kinuha niya ang pana ko at pinakita kung paano humawak nito. Ginaya ko naman iyon, dahil nasa kanya ang pana ko ay mukha akong tanga rito sa air bow ko. "akin nayan!" sabi ko sabay kuha nung pana at sinubukan ko roon ang nakita sakanya. "parusahan kaya kita.." bulong nito.
Tinignan ko siya. "yung utak mo patahimikin mo ang ingay masyado" I scoff ng pabiro at ngumiti sakanya. "alam mo ikaw, di ka marunong kung paano magpreno sa pag gamit ng kapangyarihan" panenermon nito. Nag make face ako. Tumakbo ako nung pagkababa niya sa ulap na lumulutang at bigla itong nawala. "bumalik ka dito!" sigaw nito tsaka naglalakad pahabol sa akin. "papagudin mo lang ang sarili mo kakatakbo!" dagdag niya. Tumigil ako at humarap sakanya. Lalakad tuloy ako ng backward dahil patuloy rin ito naglalakd pahabol sa akin. Malayo ang distansya pero kuonting lingat ko lang ay pakiramdam ko maabutan niya ako. "mangako kang di mo ako hahabulin" umaasa ako na tatango ito o sasangayon pero bigla ito nang amba na patakbo. Tumawa na siya sa kinilos ko. Kita sa mata at ngiti niya ang saya. Magsasalita pa sana ako kaso bigla ito nawala. "patay.." bulong ko dahil alam ko paglalaruan na niya ako.
"hoy! Joke lang eh." Pagsuko kong tugon. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa buong paligid. Hinanap ito gamit mata. Laking gulat ko bigla na lang umuulan ng mansanas sa paligid kaya ginawa kong pangsagi ang panang hawak ko nung may mansanas na paparating sa dereksyon ko. Mukhang papaulanin ako ng mansanas.. iling ko. Imbis na magpalipad ako ng arrow gamit yung pana dahil tulad ng hinala ko ay pinaulanan nga ako ng mansanas ni jiyeon ay ginawa koi tong pangsagi. "huy tama na." nagmamakaawa ako.
Tumigil ang pagbato ng mansanas sa akin. "ikaw lang ang taong gumawa niyan. Ang pana ginagamit pangaatake at hindi pang depensang parang spada!" iling nitong tugon nung nagpakita na ito sa akin. Nailing ito. "tandaan mo, ang mansanas na ito ay parang yang arrow ng pana." Sabi nito. Tinignan ko ang pana ko. "papalakasin pa natin ang aiming mo sa susunod" dagdag nito. Tinuruan niya ulit ako sa tamang hawak, sa pag kuha ng arrow. Tinuruan niya rin ako kung paano ko controlin ang kapangyarihan kong makabasa ng lamang ng utak.
"prinsesa, pinapatawag kayo ng head mistress suzy" sabi ng kawal nito. "pasensya, jiyeon nga pala" dagdag nito nung hindi sumagot si jiyeon at tinignan lang siya. "maging ibon ka" sabi ni jiyeon and she point her kawal. nagulat ako dahil naging ibon nga ang kawal nito. "uy, anong ginawa mo?" tanong ko at sinusundan ang ibon ng tingin. "parusa niya yan, mauuna na ako" sabi niya at bigla na lang ulit siya nawala. Tinignan ko ung ibon, nawala na din ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~this is not yet edited or revise version,
YOU ARE READING
One
FantasyFan-fantasy story that i've been plotting and drafting. the story is out of this world, like OUT OF THIS WORLD dahil na sa isla sila kung saan namumuhay ay salitang 'kapangyarihan at mga maharlikang tao'. happy reading, stay safe, spread the good...