Prologo

0 0 0
                                    

Ang nilalaman ng istoryang ito ay pawang mga kathang isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, katauhan, sitwasyon o anumang nasa kwento ay galing at likha lamang ng imahinasyon ng may akda. Kung may pagkakatulad man  sa iba ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Maraming Salamat.

-----------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Prologo

"SUGOD!!"
Iyon na ang aming hudyat upang kami ay sumalakay kung kaya't dali dali na kaming lumusob ng aming mga kaanib sa mga kalaban. Tanging mga tunog ng mga kampilan at sigaw ng mga mandirigma ng bawat pangkat ang naririnig sa dalampasigan kung saan nagaganap ang labanan.

"HA!". Umalingawngaw ang tunog ng aking kampilan ng sinangga nito ang paparating na atake mula sa aking likuran. Namangha at saglit akong natigilan ng mapagtanto ko na ito pala ang kanilang Datu. Mula sa kanyang kasuotan na naiiba liban sa kanyang mga kasamahan at sa kanyang naiibang batuk  na sumisimbolo at tanging makakapag taglay lamang ay isang Datu ay nakakasisiguro na ako duon.

Habang nakasangga ang aking kampilan
itinulak ko ito pabalik sa kanya at nagpalitan kami ng ilang hampas bago ko maitutok ang kampilan sa kanyang leeg.

Tuluyan ko na sanang itatarak sa kanyang leeg ang aking sandata ngunit bigla na lang akong may naramdamang sakit sa aking braso at kasabay nuon ang mabilis na pagdaan ng palaso na parang isang hangin na nanggaling kung saan.

Inaninag ko ang pinanggalingan niyon at nakita ang isang pares ng mga mata na nagkukubli sa isang punong kahoy.

"Datu! Lumisan na tayo!" Nagmula ang tinig sa nag mamay ari ng mga mata.
Natuon ang isip ko sa tinig na iyon kung kaya't natakasan na ako ng aking kalaban.

"Mga kasama! Lumisan na tayo!" sigaw ng Datu sa natitira pa nyang mga kaanib.

Susundan pa sana namin sila ngunit
pinigilan na kami ng aming pinuno at hinayaan na lamang makatakas ang mga kalaban.

" Tayo na. Lumisan na rin tayo. Alalayan ang mga sugatan upang mabigyang lunas." sambit ng aming pinuno na agad namang sinunod ng aking mga kasamahan.

"Hiraya, ano pang hinihintay mo lumisan na tayo."

Magpapatuloy;

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TribuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon