-

2 0 0
                                    

Mabilis.

Ganyan ko ihahalintulad ang pagdating mo. You were fast as a wind.

Akala ko dati, antagal tagal ko nang naghihintay para sa tamang tao na para sa 'kin.

Pero no'ng nakilala kita, in that exact second, I just knew. You were the one.

Noong una, tinry ko pang itago yung nararamdaman ko para sa'yo. Pinigilan ko naman ang sarili kong mahulog peroㅡ hindi ko alam. Sadyang tuwing nagkukwento ka ng mga katangahan mo sa buhay at halos mamatay ka na sa katatawa, naiisip ko na sana. . .

Sana sa susunod, ako naman ang dahilan ng pagtawa mo.

Minsan nga, kapag nagsheshare ka ng mga love songs sa facebook, at kahit na hindi ako maka relate sa lyrics, inaassume ko na para sa akin 'yun. Iniisip ko na baka gusto mo rin ako. Na baka ako rin yung babaeng iniisip mo tuwing matutulog ka sa gabi.

Naalala ko pa yung unang beses nating nagkita.

Sa canteen.

Kahit na maasim ang amoy dahil sa dami ng tao, abot pa rin sa kinatatayuan ko ang mabango mong amoy.

Bigla akong nanliit nung nasa harap na kita.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwa ko nung nakita kita. Sa sobrang tuwa ko nga eh, halos ikwento ko na sa lahat ng kaklase ko kung gaano ka kabango sa personal.

At oo. . . gusto kita.

Simula pa lang no'ng una. Alam ko na, na magugustuhan kita.

Ilang beses ko na ngang tinanong sa sarili ko kung kelan mo ba sasabihin sakin na gusto mo rin ako?

Kasi ako, palagi ko namang dinadaan sa biro ang pag amin ko sayo. Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon, di ka pa rin aware na may pagtingin ako sayo.

Valentine's Day.

Ang pinakainaabangang araw nating dalawa. Natapat pa talaga ang Prom natin sa araw ng mga puso.

Aaminin mo na kaya sakin na gusto mo ako?

Yan ang nasa isip ko. Excited na excited akong makita ka at ipagyabang sayo kung gaano kamahal ang gown na nirentahan ko para lang sa gabi na 'to.

I was patiently waiting for you. Kahit pa ilang dosena na ang mga lalaking nag aya sakin para sumayaw, wala akong tinanggap dahil hinihintay kita.

Ikaw lang ang tanging lalaki na gusto kong makasayaw ngayong gabi.

Gusto kong isayaw mo ako sabay sa tugtugin ng Ben&Ben na Pagtingin.

I want to hold your hand and hug you tight.

I want to tell you how much you mean to me.

Gustong gusto kita.

Sa bawat pagdilat ng mga mata ko, alam kong ikaw lang ang gusto ko.

Ikaw lang ang nagparamdam sakin na kahit na talikuran man ako ng buong mundo, may isang tao pa rin na mananatili sa tabi ko. Na susuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Handang sumalo sa bawat pagbagsak. Aalalay sa bawat hakbang na pipiliin ko sa aking buhay.

Sobra mo akong napapasaya. At alam kong napapasaya rin naman kita.

Pero hindi ko inaasahan na noong gabing 'yon, sobra mo rin pala akong masasaktan.

Habang patuloy ang pagtanggi ko sa mga lalaki sa takot na baka madapuan ako ng kamay nila. . .

Ikaw naman ay may hawak na palang iba.

From afar (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon