Halos 3 pm na nang bumalik ako sa opisina. Kakagaling ko lang sa isang site sa Tarlac. Nilapag ko muna yung blueprint at hard hat ko sa mesa ko, at kinuha ang isang file na nakalatag dun bago puntahan yung office ng bago kong Boss. Pinatawag niya ako for a transparency report. Mas gusto ko yung bago naming boss dahil kakilala at ka-edad ko lang siya. Anak siya ng unang CEO.Unfortunately, Architect David Sebastian passed away last year. Nagkagulo gulo yung kumpanya at kinakailangan agad palitan. Napauwi tuloy ng 'di oras si Architect Noah Sebastian, yung nag-iisa niyang anak. Noon, nakakasabayan ko na 'rin 'to dahil halos magkalevel lang ang position namin pero dahil bigla siyang naging boss, 'di naman awkward. Ganon naman talaga ang kadalasang eksena sa isang kumpanya.
Nagbacklogs man dahil sa insidente, 'di yun naging rason para umalis lang ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang mag-ama kaya kahit marami akong job offers sa ibang construction firm, dinideny ko. Sila lang 'yong sumalo sa akin noong nalugmok ako ilang taon na ang lumipas kaya 'di ko talaga pwedeng iwan lang 'to.
Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. "Magandang hapon, Architect," bati ko.
"Oh, good afternoon as well, Engineer."
Iniabot ko na sakaniya yung report na inihanda ko para sa meeting bukas ng umaga kasama ang executives. Palagi namin siyang ginaguide ni Architect Melody bilang nag-aadjust pa siya.
Pagkatapos niyang basahin ay binigyan niya na ako ng feedback. So far, no hard changes.
"How's the construction going in Tarlac?" He asked after he closed the folder.
"So far, maayos na Sir. Naayos na ho yung mga naging aberya noong nakaraan. 'Di naman nagkulang sa supplies kaya ongoing na po at may gradual development na." Pormal na sagot ko.
He chuckled. "Oh, come on Engineer Leo. Cut the crap. We're friends. Bakit mo 'ko pino-po," he slightly loosened his tie and stood up. Inabot niya na sa akin yung report at sumandal patalikod sa office table niya.
Napakamot ako sa batok at natawa nang konti.
"Pasensiya na, Sir. Nakakaligtaan ko lang.""It's okay. Oh, by the way. The annual ball is in two weeks. Plans on bringing a date?" sabay ngisi.
"Ah, Haha. Yes, Sir."
'Di pa nga lang alam ng date ko.
"Ikaw, Sir? May dadalhin kang date?" Tanong ko pabalik.
"Uhm, I don't think so. I'll probably just bring myself or my daughter. Haha. Whatever's fine."
Oo nga pala, may anak siya. Parang kailan lang noong nag-iinuman kami pagkatapos ng trabaho, kinikwento niya saamin dati na kung paano siya mastress sa dynamics ng relationship nila ng kana niyang girlfriend. Ngayon, may anak na sila.
Grabe, napag-iiwanan na ako. Loveless at childless. Sa'n ka pa?
Nagkwentuhan pa kami nang kaonti bago ako nagpaalam sa kanya. 'Di na ako dumaan pa sa hospital dahil bumyahe na si Trish sa Laguna kanina. Pagkauwi ko, binagsak ko yung sarili ko sa sofa. I received a text from Trish earlier that she already arrived. I scratched the bridge of my nose.
Naiirita na ako sa sarili ko. Paano ko ba maaaya si Trish na maging date sa ball na 'yon na hindi nawawala yung balls ko?! Ilang beses na ako naoolats. Konti na lang talaga at masisipa na ako ni Yandro.