CHAPTER 11: At The Dinner Table
Kung kanina ay halos papuri ang binibigay ko sa malawak na family room nila, ngayon ay halos isumpa ko na ito dahil nalaman ko na wala itong lock. Kaya kahit sino ay pwedeng makapasok kahit anong oras.
Naiinis na ako sa malamig na hangin na binubuga ng air con, kanina ko pa pinagkikiskis ang mga palad ko at pinapatong sa hita ko. Dahil sa iksi ng short ko ay halos mangatog na ako sa lamig. Hindi na ata ako magsho-short kapag pupunta ako rito. Ilang weekends pa akong babalik dito.
"I told you kuya, always bring your inhaler with you!"
"I did! Nasa bag ko 'di ba!"
"And your bag was not with you!"
Pabalik-balik ang tingin ko sa magkapatid. Kung magsigawan sila ay parang wala ako rito. Kanina lang ay halos sugurin kami ni Lance pero dahil biglaan na naman siyang sinumpong ng hika niya ay nakaligtas kami, o ako.
Gusto kong matuwa noong una dahil nang hikain siya ay hindi na niya naituloy kung ano man ang gusto niyang sabihin o gawin. Pero nang tumakbo papalapit sa kaniya si Mikhail at hindi nito nakapa ang inhaler sa kaniyang bulsa ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nilang dalawa.
Tulad nang paghahabol sa hininga ni Lance ay gano'n din kabilis ang pagtakbo ng kapatid niya palabas ng family room. Takot man ay nilapitan ko pa rin si Lance at hinagod ang likod niya at pinapaypayan siya gamit ang palad ko, kung nakatulong man 'yon sa kaniya.
Hindi rin siya pumalag at hinayaan akong hagurin siya. Medyo weird man pakinggan. Dumating si Mikhail at isinulpak ang inhaler sa bibig ng kuya niya. Nakabawi ito pero hinihingal pa rin.
Inakay namin siya papunta sa sofa. Umupo ako sa kabilang sofa sa kabilang direksyon nila. Ayokong tumabi sa kanila baka madamay pa ako.
"That's because I saw you with Atom, doing something like..."
Binalingan niya ako pero hindi kagaya kanina ay hindi na siya galit, at mukhang wala na siyang balak sugurin ako. Nagkatinginan kami pero binalik niya ang kaniyang paningin kay Mikhail na naka-upo sa kaniyang tabi.
"Kuya, he was about to go. Inistorbo mo tuloy."
"Gano'n ba nagpapaalam, ha?"
Hindi nakasagot ang kapatid niya sa pagtaas ng boses nito. Maging ako ay napayuko. Ano bang mali doon? Gano'n din naman ako minsan kay Sid, ah? Pero wala naman nagsabing mali 'yon? O baka mali talaga pero nasanay lang kami?
Ay, ewan ko ba sa magkapatid na 'to. Parati na lang akong naiipit kapag nag-aaway sila. Sa susunod talaga gagawin ko na ang lahat para hindi ko na makasalamuha ang dalawang 'to.
"Aalis na'ko, pre," sabi ko at tumayo. Sabay na umangat ang paningin nila sa akin. "Pasensya na, Lance. Hindi na mauulit." Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumayo si Mikhail.
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Romance[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...