Chapter 12

5 1 0
                                    

CHAPTER 12: In A Garden

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 12: In A Garden

"Isa pa!" sigaw ko nang hindi niya na-receive ng maayos ang bola. Tinanguan ko si Sid na nakasampa sa umpire, inuupan ng referee kapag may match. Tinutulungan niya akong i-train si Liam kaya nandito siya ngayon. "Pucha, hindi lalapit sa'yo yung bola!"

Dahil hindi naman ako makakatanggi sa utos ni coach na maging mentor ni Liam, kahit na parang hinuhukay ko ang sarili kong libingan, tuwing sabado ay one-on-one kami ni Liam.

Noong nakaraang sabado, stressed ako dahil sa pamilya ni Mikhail. Pero ngayon, dahil dito sa letcheng trainee na 'to. "Liam, isa pa. Habulin mo yung bola!"

"Yes, coach!" alanganin na sagot nito. Nakayuko siya at nasa bola ang mata. Nang lumingon ako kay Sid ay nakasimangot siya.

"Ikaw nga hirap ka nang saluhin mga spike ko, kawawa yung bata!"

"Hinaan mo kasi, daming ebas!"

Nang pumito ako ay hinampas ni Sid ang bola sa direksyon ni Liam. Pababa ang bola at mahuhulog sa harapan. Kaya tumakbo siya at lumuhod. Tumama ang bola sa kaniyang braso at bumalik sa kabilang banda ng net.

Umangat ang tingin ni Liam at may manipis na ngiti sa labi niya. Tuwang-tuwa ba siya dahil alam niyang malaki ang tyansa na mapalitan niya ako? Tumango lang ako sa kaniya, dahilan para mabura ang ngiti niya. "Break, ten minutes."

Umupo ako sa may bench at uminom sa tubigan ko. Pinunasan ko rin ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa leeg ko. Kaya pa, isang oras pa.

Tumabi si Sid at lumagok din ng tubig. Inikot-ikot niya pa ang kaniyang balikat at minasahe 'to. "Pinapagod mo naman ako, 'tol. Libre mo ako niyan ng tapsi, ha?"

"Busy ako, pupunta pa ako kila Mikhail after nito."

"Sama ako!"

"Bawal!"

"Oh, libre mo na lang ako?" Magkadikit ang palad niya at pinagkikiskis itong nakaharap sa'kin. Nangamot pa ako sa batok ko bago tumango sa kaniya.

"Peste, ikaw mapera, eh. Ikaw dapat nanlilibre."

"Wala na, bumili akong dias kagabi."

Sa 'di kalayuan ay mag-isang umiinom ng tubig si Liam. Ang ibang teammates namin ay nasa kabilang court at naglalaro. Kaming tatlo lang ang nahiwalay dahil nga kailangan kong i-train si Liam.

"Kawawa naman yung si Liam, walang kasama 'tol," bulong ni Sid.

"Ikaw ang kawawa," sabi ko. Nagtataka siyang lumingon sa'kin at magkasalubong pa ang kilay. "Kawawa ka dahil wala ka nang libreng tapsi." Tumayo ako at pumwesto sa gilid ng court. Narinig ko pa ang mga palahaw ni Sid pero pumito na ako kaya bumalik na siya sa pwesto niya kanina.

Inulit lang namin nang maka-ilang beses ang training ni Liam. Si Sid ang papalo ng bola, ako ang magtuturo kung saan ang pwesto niya. Sesenyasan ko si Sid saang direksyon ang palo niya. Ilang ulit hanggang sa maubos ang oras.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon