Spencer's POV
Andito ako sa Cafeteria. Bumili lang ako ng pagkain para naming dalawa ni Raven.
"Oy, Hawkins" tawag ng mga Lions sa akin.
"Puntahan ko lang si Raven." Sabi ko habang bitbit ang pagkain naming dalawa.
Naglalakad ako patungo sa bench ng harapan ng business building. Andito ang magandang asawa ko at nawala ang ngiti ko ng makitang wala siya roon. Asan na iyon? May napansin akong isang dollshoes. Sa kanya ito.
"Shit!" asan na ba iyon? Maglalakad na sana ako ng may marinig akong ingay ng kotse. Nagmadali akong naglakad patungo sa parking area. Bitbit ko parin ang pagkain. Nahagilap ng paningin ko sa kalayuan na may mukhang nag aayaw na babae at lalaki sa di kalayuan. Tumalikod ako ng...
"NEO PLEASE"
"MAGIGING AKIN KA RAVEN. GUSTONG GUSTO KITA" Napatingin ako ulit dahil sa boses na narinig ko at bigla nalang umakyat lahat ng dugo ko ng makitang tinutulak ni Raven ang lalaki at nasira na ang damit niya at nakita na ang dibdib.
Nabitawan ko ang pagkain na bitbit ko at tumakbo patungo kay Raven. Natulak niya ang lalaki at napatakbo siya pero nahabol siya at niyakap.
"BITAWAN MO ANG ASAWA KO" sigaw ko at hinila si Raven palayo sa lalaki.
"Rave---" hinarap ko siya at tinadyakan. Napaupo siya. Hinila ko siya gamit ang kuwelyuhan niya at pinatayo at sinuntok.
"SPENCER. PLEASE TAMA NA. ALIS NA TAYO." Sigaw ni Raven. Di ko siya pinansin.
"Sinabihan na kita diba. Wag mong lalapitan ang asawa ko." sinuntok ko siya ulit. Humawak si Raven sa bisig ko.
"Spencer please. Alis nalang tayu" naiiyak na sabi ni Raven. Tumingin ako kay Raven.
"Di ko siya pinagtatangol pero kasi. Spencer tigil na ang laki na ng sugat niya. Tama na yan." sabi ni Raven. Tumingin ako sa lalaking nakaupo at duguan na.
"WALA AKONG PAKI. GAGO TO EH" at tinadyakan siya ulit.
"WAAAAHHHH SPENCER PLEASEEEE" sigaw ni Raven.
"PRE!" Boses nina Anderson at Lawrence
"BRO!" Boses nina Hilton, Chua at Samson
"HAWKINS PRE!" Boses nina Lou, Marco, at Stanford
"HAWKINS!" Boses ni Scherzinger
"SHIT PRE!" Boses ni Chen
Sigaw ng mga Lions at dali dali nila akong pinagtutulungang hawakan.
"ANO BA KAYO? BITAWAN NIYO NGA AKO" nanggigil talaga ako sa lalaking ito.
"Hawkins pre kalma" sabi ni Arellano.
"PRE NAMAN! PAANO AKO KAKALMA KUNG YANG LALAKING IYAN DINUMIHAN ANG ASAWA KO." Nanggigil kong sabi. Sa sinabi ko palang alam ko na gets na yun ng mga Lions. Nag iba naman ang pinta ng pagmumukha niya.
"Raven" rinig kong tawag ni Hilton kay Raven na napaupo at umiiyak.
"Raven tayu tayo ha. Halika" tinulungan siya ni Hilton, umiling si Raven.
"Bakit Raven may masakit ba saiyo?" Tanong ni Anderson. Pinapakalma parin ako ng mga Lions. Ang wala lang ay si Captain.
"Halika Raven. Napakalma na namin si Hawkins." Aalayan sana ni Samson si Raven ng umiling siya Raven at niyakap ang sarili niya. Napatingin ako sa gagong lalaking ito at susugurin sana siya ng awaton ako nina Lou at Scherzinger.
YOU ARE READING
Husband & Wife, for real?
Storie d'amoreLions Series No. 2 : SPENCER HAWKINS [ Book 1 ]