Chapter 29 💍

780 16 0
                                    

Third Person's POV

Tumawag si Raven kay Jasper.

"Hello Jasper"

[Hi Raven]

"Is Spencer with you?" Tanong ni Raven kay Jasper.

[Magkasama kami yesterday may pinuntahan lang kami.]

"Uhm ganun ba. Busy ba siya?"

[Oo I think so. Ang alam ko aalis siya may aasikasuhin daw but don't worry. He'll be back to you]

"Sige thank you Jasper" inend call na ni Raven.

"Ma'am uuwi na po ba si Sir?"

"Oo manang. But for now may inaasikaso pa siya."

"Mabuti naman Ma'am ilang araw nang di umuuwi si Sir eh."

"I know and it's my fault"

"Normal lang naman ang may away sa mag asawa Ma'am"

"But not like this Manang"

"Di naman importante kung malaki o maliit ang pinag away niyong mag asawa eh. Ang mahalaga ay sa huli mas maiintindihan niyo na ang isat isa. Diyan niyo ma susukat ang kakatagan ng relasyon niyong mag asawa kung gaano kayo nakakapit sa isat isa."

------


[May utang ka sa akin ah. I lied and keep a secret from Raven] tumawag si Jasper kay Spencer.

"Pre naman pagsinabi mo naman na kasama ko itong babaeng ito wala. Lalo lang siya lalayo at di na talaga maniniwala sa akin. She will really do think that I'm cheating on her"

[Okey, okey fine. Basta when your done that business. Umuwi kana kay Raven ah. Narinig mo palang boses niya kanina Pre. She really do miss you kahit di niya sinabi]

"I miss her too. No worries. Uunahin ko lang itong tapusin and then when it's done. I'll do everything to get back the closeness of Raven and I."

[Sige ingat ka. Tandaan mo. Naghihintay sa iyo si Raven]

"Oo na sige na." At inend na ang call. Nasa isang private plane sila ngayon. Pag aari ito ni Spencer. Agad agad kasi silang kinontact ng imbestigador na may isang tauhan raw niya na nakatunton sa pinagroonan ni Slater.

"Spencer. Salamat ha"

"Gusto ko lang matapos na ito para makauwi na ako sa asawa ko"

"Mahal na mahal mo talaga siya ano?"

"Walang ibang babae ang makakapantay sa kanya. Iba siya." Natahimik si Dianne sa sinabi ni Spencer.

"Ikaw naman mahal na mahal mo yung Slater na iyon diba?"

"Sobra. He was my bestfriend and all. Tulad mo, wala rin makakapantay sa kanya. Siya lang" sabi ni Dianne.

"Napagkamalan mo ako na siya dahil lang sa mukha ko at apelyedo?"

"Oo."

"At mabuti naman na na gets at tanggap mo na ang sinabi ko at ng ibang tao na hindi ako siya."

"Kasi habang tinitignan ko ang picture ni Slater at ikaw. Wala akong nararamdam ng tinignan kita ng patitig eh. Pero kahit sa picture lang ako nakatitig kay Slater. Wala ang bilis ng tibok ng puso ko. Doon ko napagtanto na tama ka at mali ang akala ko." Natahimik silang dalawa. Hanggang sa nagsalita ulit si Dianne.

Husband & Wife, for real?Where stories live. Discover now