Chapter 13

3 1 0
                                    

CHAPTER 13: Taste Of Freedom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 13: Taste Of Freedom

Lalo kong naramdaman ang lamig sa loob ng silid. Pero kasabay no'n ang pagkakaroon ng init na nagmumula sa'king dibdib. Ilang beses akong kumurap para masiguradong wala ako sa isang panaginip.

"Ano?" nauutal kong tanong. Lumunok ako at inangat ang tingin sa kaniya. Bahagya siyang nakayuko pero na sa'kin ang mga mata niya. Namumuo ang mga luha mula roon. Bakit siya naiiyak?

"Don't make me say it again."

Umatras ako at wala sa sarili akong napa-upo sa dulo ng sofa. Mabilis siyang sumunod sa tabi ko habang malikot ang kaniyang mga kamay at paa.

Kaya pala.

Kaya pala gano'n ang reaksyon niya noon kay Carla. Noong sinabi niyang wala siyang interes kay Krista. Pati ang reaksyon ni Lance nang makita ako sa loob ng kwarto niya. Yung reaksyon nilang magkakapatid sa tanong ni tita. Kaya pala.

"Look, I'm trying to come out but it's a real pain in the ass." Napalingon ako sa kaniya na tila kinagulat niya. "Not literally," depensa niya pa.

Huminga siya nang malalim at taas noong hinarap akong muli. "I tried coming out to you to see how a classmate will react to this."

Pinatunog ko ang mga daliri ko at doon tumingin. Ano ba ang dapat na sabihin ko sa kaniya? Congratulations?

Hindi ko talaga inaasahan ang sasabihin niya at mas hindi ko inaasahan na ganitong biglaan. Ang pinakagusto ko lang naman na maramdaman niya ay ayos lang sa'kin.

Minsan nang napag-usapan sa klase namin ang tungkol sa pag-out ng mga taong gaya ni Mikhail. Sabi ng ilan sa mga kaklase namin ay hindi kailangan mag-out ng mga ito dahil human nature ito at normal lang.

Sabi naman ng iba ay hindi ito kasama sa norms na mayroon ang tao, especially sa bansa, kaya kailangan pa rin mag-come out ng iba.

Alam kong hindi madali ito para kay Mikhail. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko at hindi ko maiparating sa kaniya ang mga nasa isip ko.

"I'm sorry. I shouldn't have said that." Tumayo siya at nagsimulang ayusin ang mga gamit na nasa mesa. "Just forget about it." Pumiyok ang boses niya at nakita ko kung paano tinakpan ng kaniyang mga palad ang mga mata niya.

Tumaas baba ang kaniyang balikat at ilang segundo lang ay narinig ko na ang kaniyang paghikbi. Naluhod siya sa malambot nilang carpet at doon tuluyang inilabas ang kaniyang mga luha.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tangina, kasalanan ko 'to. Inilapat ko ang palad ko sa kaniyang braso.

"Pre, tama na. Ayos lang naman sa'kin, eh."

Pero hindi no'n napatigil si Mikhail sa paghagulgol. Pucha, baka lalo ko lang mapa-iyak 'to kapag nagsalita pa ako. No'ng ako yung may problema si Sid lang ang kasama ko at hinayaan niya lang akong manahimik at hindi ako kinausap.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon