CHAPTER 14: Turmoil of the Rain
Mabagal ang takbo ng jeep na nasakyan ko. Hindi nagtagal ay lumakas ang kaninang ambon lang. Mula sa bintana ng jeep ay pumapatak ang malalaking butil ng ulan na tumatalsik sa'kin kaya sinara ko na lamang ito.
Pucha, hindi pa naman ako nagdala ng payong! Kung sana pa lang dinala ko yung payong na pinapadala sa'kin ni mama kaninang umaga. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko na magdala ng payong, tag-ulan na rin.
Huminto ang jeep sa kanto nang pumara ako. Nang tumakbo ako pababa, nahagilap ko ang nanghuhusgang tingin ng tsuper mula sa rear view at mga kasama kong pasahero. Oo na, kayo nang may dalang payong.
Ilang hakbang pa lang ay basang basa na ang pantalon ko dahil medyo matataas na ang tubig sa daan. Parang hindi naman pangmayaman na subdivision 'to, bakit parang babaha na? At dahil may kalayuan ang kanto sa bahay nila ay nakarating ako sa harapan ng matayog nilang gate nang basang basa.
Mula ulo hanggang paa, basa lahat. Hindi ako informed na ganito kalakas ang ulan. Sana pa lang nagdala ako ng swimming trunks para hindi naman nakakahiyang basa ako 'di ba? Pero baka maging weird naman ang tingin sa'kin ng mga tao. Sino bang may balak na mag-swimming sa tag-ulan? At sino naman ang pupunta sa bahay ng kaklase nila nang naka-swimming trunks?
Bumalik na ako sa katinuan nang pindutin ko ang doorbell nila. Nag-vibrate 'yon nang pindutin ko. Bakit walang lumalabas?
Napayakap ako sa sarili ko nang lumakas ang ihip ng hangin at nagdala 'yon ng kakaibang lamig sa buong katawan ko. Sisipunin ako nito! Sinama ko rin sa bisig ko ang duffel bag kong basa na rin at pilit na pinoprotektahan ito sa ulan.
Kahit na basa na ito, sana naman hindi tuluyang mabasa yung mga damit, pera, at phone ko na nasa loob. Muli kong pinindot ang doorbell at lumabas mula sa gate si kuyang guard na nakasuot ng jacket.
"Ay, sir! Basang basa na po kayo!" Tumakbo siya papalapit sa'kin at isiniksik ang katawan niya sa'kin para mapayungan ako kahit papaano. Ang isang braso niya ay nakapalupot sa balikat ko habang inaakay ako papasok. Hindi alintana na nabasa na ang jacket niya.
"Sorry, sir. Masama kasi ang pakiramdam ko kaya naka-idlip ako. Pasensiya na po, ah." Lumingon ako sa kaniya at nakita ang ilong niyang namumula.
Nang marating namin ang mismong bahay ay sinalubong ako ng isa sa mga helpers nila. Halata ang pagkabalisa niya nang ibalot sa'kin ang twalya. Medyo may katandaan na siya, puti na ang buhok at kulubot ang ilang parte ng kaniyang mukha.
Ngumiti lang ako kahit na kanina pa ako giniginaw. Magkasalubong ang kilay niya at mahinang hinampas ang guard sa balikat. "Ot peburen mo neman mandilu uran! Kamwanan nakapa kanyan ma'am Maddie!"
(Bakit pinabayaan mo naman siyang maligo sa ulan! Mapapagalitan ka pa ni ma'am Maddie niyan!)
Napakamot sa ulo ang guard at tinakpan ang ilong at bibig bago ito bumahing. "Eku masanting panamdaman anya mipatudtud ku. Mag-leave ku pin ata!" Kinuha niya na ang payong at naglakad na papunta sa guard house na malapit sa gate.
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Romance[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...