CHAPTER 15: Gay Awakening
"I'm really sorry for that, Atom," saad ni Mikhail pagpasok pa lang namin sa guest room.
Nabalot ng katahimikan ang buong dining room nang sinagot ko ang tanong ni tito Arman. Pati ang pagkalansing ng mga kutsara't tinidor sa plato at pagnguya nila ay natigil. Kung kanina'y pag-aalala lamang ang makikita sa kanilang mga mukha, ngayon ay awa.
Awa para sa isang tulad ko na nawalan ng isang magulang. Hindi nila ako dapat kaawaan, ngumiti ako sa kanila. Hindi naging madali ang karanasan namin nang mawala si papa, lalo na si mama. Pero lahat 'yon ay nalagpasan namin nang kami lang at walang tulong ng iba.
Nagpaumanhin si tito nang mapagtanto ang sagot ko. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko para hindi humaba pa ang usapan. Wala na si papa pero ganito pa rin ang epekto niya kapag nalalaman ng iba kung sino ang magulang ko.
Tahimik na natapos ang dinner. Hanggang sa maubos ang mga pagkain sa plato ay wala nang nagtangkang magsalita. Kasalanan ko pa ata kung bakit nasira ang gabi nila. Kahit kailan talaga, ako na lang lagi ang nagiging pabigat sa ibang tao.
Inakay niya ako papunta sa kama. Nang tuluyan akong maka-upo ay inabot niya naman sa'kin ang isang baso ng tubig at isang tableta ng gamot. Kanina pa siguro 'to nandito. Agad kong ininom ang gamot at nilagok ang tubig. Kailangan ko nang gumaling agad.
"I'm really sorry I didn't know about that."
"Soya lang 'yon, pre. Tinanong lang naman." Binalik ko ang baso sa kaniya at inayos ang kumot sa katawan ko. Medyo umayos ang pakiramdam ko pagkatapos kumain. Hindi na ako masyadong nilalamig.
"Are you okay?" tanong niya. Umupo siya sa dulo ng kama pero ngayon mas malapit sa'kin. Sinuri niya ulit ang temperatura ng katawan ko sa mapapagitan ng palad niya sa noo ko. Ngumiti lang siya gano'n din ako.
"Medyo okay na, hindi na gano'n kabigat." Kumunot ang noo niya binasa ang ibabang labi.
"How long has it been?" Noo ko naman ang kumunot sa tanong niya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Your dad," wika niya.
Ilang taon na nga ba? Hindi naman kami nagbibilang pero maka-ilang ulit na kaming nagpadasal para sa death anniversary niya. Buntis si mama nang mawala si papa, kaya hindi na naubutan ni Pao-pao ang aruga ng isang ama. Kahit isang litrato lang na magkasama sila ay wala.
"Eight years." Nagkaroon ng bahagyang pamumuo ng bara sa lalamunan ko kaya maka-ilang beses akong lumunok. Iniwas ko ang aking mukha sa mga paningin niya na nakamasid. Kahit alam kong alam niya ang nararamdaman ko ay ayaw kong makita niyang naluluha ako dahil lang dito.
"I'm sorry, I should have—"
"'To naman, bakit ka ba nagso-sorry ikaw ba yung dahilan ba't namatay si papa?" Namilog ang mga mata niya at napunta sa patilya niya ang kaniyang kamay. Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko pero hindi ko rin napigilan. Halos malaglag ang panga niya nang makita akong humalakhak. "Biro lang, pre! Masyado ka kasing seryoso!"
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Romance[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...