Tanghali na nang makabalik si Erika Angoluan sa bahay ng kaibigan niya sa Pasig. Dalawang linggo nang ganito palagi ang kanyang routine. Lagi siyang pagod pagdating sa bahay.
Kailangan niyang magsikap. Bagong trabaho ang pinapasukan niya. Dapat lagi siyang may good points upang mai-extend ang contract o kaya ay maging regular employee.
Nagbihis siya ng pantulog at humiga sa kama.
Ilang oras ang lumipas at nagising siya ng mga alas syete ng gabi. Nagmadali siyang magluto ng dalawang itlog, at tinapay lang ang kanyang ipinares dito. Kape ang pinili niyang maging inumin. Nang matapos kumain ay inilagay na niya ang mga pinagkainan sa lababo nang hindi iyon hinuhugasan.
Nag-shower siya nang mabilis at umalis pagkatapos magbihis. Bibili siya ng kanyang baon sa isang malapit na grocery store at papasok na uli sa call center. Isang buwan na siyang nagti-training kaya another month na lang ang kulang at sasabak na siya sa totoong trabaho.
DUMATING NG BAHAY si Pats Caalaman nang alas nueve. Napasimangot siya dahil mukhang two weeks na niyang napapansing lagi niyang nakakalimutang maghugas ng pinggan at ng tasa ng kape. Pero sa isip niya ay nagmistulang deja vu ang nangyayare sa kanya.
Pero hindi. Two weeks? naisip pa niya. Tandang-tanda niyang dalawang linggo na ito.
Hinugasan niya ang mga nakatambak na hugasin sa lababo bago siya naligo. Kumain na siya sa suki niyang restaurant. Pagkagaling sa opisina ay roon siya palaging kumakain ng hapunan bago umuwi.
Naginawahan siya matapos makaligo. Magiging mahimbing na naman ang tulog niya. Hindi niya alam, hindi siya ganito kapag ibang lugar ang kanyang tutulugan. He used to stay awake when it wasn't his own house he was going to sleep in.
Parang may charms ang bahay na ito, naisip pa niya at sinuntok ang unan bago ipinatong ang ulo rito.
Kinaumagahan ay maagang nagising ang binata. Magluluto na siya ng dalawang itlog, tinapay lang ang ipapares niya dito at kape.
May kakaiba siyang napapansin sa refrigerator. Walo ang itlog na natira kapahon, ngayon ay naging apat na. Binawasan lang naman niya ng dalawa iyon, bakit biglang kinulang?
Tinandaan na niya ngayong ang mga hinugasan niyang frying pan, plato, tinidor, at tasa. Titingnan niya mamayang gabi kung uulitin na naman niya ito.
ALAS NUEVE NA ng umaga nang nakauwi si Erika sa bahay. Napaka-traffic kasi pag rush hour kaya't heto, malapit na ang tanghali nang makauwi siya. Sa bagay, palagi namang ganito.
Dumiretso na siya ulit sa kanyang kwarto, sa guest room sa ground floor. Natulog siya buong maghapon. At nang magising siya ay 6:30 na.
Nagpunta siya sa kusina. Ngayon lang niya napansin na tuwing pumupunta siya roon ay malinis ito. May caretaker ba si Yuki rito? Hindi kasi siya nakakapaghugas ng pinagkainan dahil sa pagmamadali niya. Pero kung meron man, bakit sinabi ng kaibigan niyang kailangan siyang tumao sa bahay nito?
Tumingin siya sa ikalawang palapag. Parang tahimik naman. Naghanda nalang siya ng itlog at tinapay para kainin niya. Nagtimpla na rin siya ng kape.
Napansin niyang dalawa na lang ang natirang itlog. Nagtaka siya kung bakit nabawasan yon pero anim na piraso pa natitira nang nakaraang araw. Naisip niyang siguro ay kumain ang caretaker ni Yuki. Nagpatuloy na siya sa pagkain.
Habang naliligo ay iniisip niya kung ano ang dahilan ng kanyang kaibigan para patirahin siya rito gayong may caretaker naman ang bahay.
Kahit nakasakay na sa jeepney ay napapaisip pa rin siya sa puzzle na ito.
YOU ARE READING
A BURNING DESIRE
RomancePinakiusapan si Pats ng isang kaibigan na okupahan muna niya ang bahay ng fiance nito. Pero napansin niya, nababawasan ang kanyang stocks at parang parating makalat ang bahay kada uuwi siya galing sa trabaho. Na-solve lang ang 'misteryo' nang mamata...