Chapter 16

4 0 0
                                    

CHAPTER 16: Among The Greens

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 16: Among The Greens

Mula rito sa likurang bahagi ng gymnasium ay rinig din ang palahaw ng teammates ko at ang malakas na pagpalo nila sa bola. Pero gaya ng dati ay hindi ko pa rin maramdaman ang saya na mayroon sila kapag naglalaro.

"How's your diet, Arceo?"

Tumingin ako sa kaniya at sinuri ang ekspresyon na mayroon siya. Kung gusto niya akong kausapin ay bakit hindi sa office niya? Mas madalas siyang nagpapapunta ng mga players doon lalo na kung may nalabag na violations.

Sabi niya kanina ay importante raw ang pag-uusapan namin. Nasa tabi kami ng shower room kaya paano ko seseryosohin ang mga sasabihin niya.

Tumaas baba ang bukol sa kaniyang lalamunan at kumunot ang kaniyang noo, ang mga guhit doon ay mas naging kapansin-pansin.

"Ayos naman, coach. Halos protein lang," sagot ko. Syempre hindi ko inamin na napapadalas ang pagkain namin ni Sid ng tapsilog—na halos protein din naman. Lagot ako kung sakali. Alanganin na nga ang posisyon ko sa team baka lalo pa uminit ang mata niya sa'kin.

Nagsalubong ang kilay niya at panandaliang iniwas ang tingin sa'kin. Malikot ang mga mata niya at hindi magawang tumingin sa'kin ng matagal. May problema ba?

"Alam mo naman na magaling kang player at gustong gusto ko ang attitude mo kapag naglalaro," sabi niya. Ang palad niya ay ilang beses na nahilamos sa kaniyang mukha. "Pero this coming sportsfest, imo-monitor kita, Arceo."

Ah. Ito na 'yon.

May sinabi pa siya pero parang nabingi ako at ang mga bulong sa isip ko ang tanging naririnig ko. Pwede naman siguro akong mag-part time job sa summer. Maraming convenience stores at fast food chains ang naghahanap ng part timers.

Kailangan kong maka-ipon para mai-enroll ko ang sarili ko kapag pasukan na. Kung hindi papalarin, baka titigil muna siguro ako ng ilang taon. Hindi naman aalis ang college, hindi ko kailangan mag madali.

"Naiintindihan mo ba, Atom?" Tumango ako at naglakad na pabalik sa team. Sakto naman na break time kaya wala ang ibang players, malamang nasa canteen na 'yon. Naupo ako sa bench at tahimik na lumagok ng tubig.

Sa tagal kong naglalaro ng volleyball, kahit kalian ay hindi ko ito tinuring na laro lang. Dahil wala na si papa noong pagtuntong ko ng junior high school, ito na ang naging paraan ko para mabayaran ang tuition fees ko. Nakatulong ako kay mama at nabili niya ang mga gamit na kailangan niya para sa pagpapalaki kay Pao-pao. At least, naibalik ko man lang ang mga nagawa nila para sa'kin.

Kaya kahit na anong mangyari ay hindi ko pinabayaan ang mga trainings at drillings na ginagawa namin. 'Di bale nang hindi makapag-review at bumagsak sa mga test basta't nasasalo ko pa rin ang bola.

Pero ito na siguro yung oras para tumigil na ako sa paghahabol ng bola. Kung hindi para sa'kin ang larong 'to, wala na akong magagawa. Sigurado akong napagdesisyonan na ni coach ang kapalaran ko sa team.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon