Alexa, nakikinig ka ba?! Dinig kong kung tawag ni bebs sa pangalan ko. Na nag pabalik sa akin sa aking wisyo.Napakamot na lang ako sa aking ulo. Ano uli yung sinabi mo bebs?! Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi narinig. Hehe.
You mean you're not lestening! Bebs naman eh! Kanina pa ako dito dada ng dada! Halos maubos na laway ko kakakwento sayo! Tapos hindi ka pala nakikinig! Muy god! Sabay busangot niya. Nakakapag tampo ka naman eh! Tapos ngumuso naman. Tapos iniwan niya ako. Luhh! Tampo na siya! Haha ang cute niya talaga pag- nagtatampo.
Sorry na bebs, please! Paghihingi ko ng kapatawaran sa kanya. Habang sinasabayan siya lumakad. Ang hirap pa mandin nito hingian ng kapatawaran.
Bebs! Pagtawag ko sa kanya. Habang sinusundot ko yung tagiliran niya.
Alexa, tama na nakikiliti ako eh! Natatawa niyang sabi sa akin. Then hinarap na niya ako. Alam mo ang kulit mo talaga no? kaya di kita matiis eh! Then ngumiti na siya. Tapos umakbay na siya sa akin. Halikana baka malate na tayo! Diba ang hirap hingan ng tawad. Kilitiin mo lang wala na yung galit. Hehe. Dalawa lang naman ang gusto niyan pag hihingan ng sorry kiliti portion at yung isa tumataginting na libre.
By the way bebs, Okay kana ba talaga? Tanong ni bebs. Na nag pahinto sa akin.
Bebs, bakit? Tanong ni bebs bakas ang pag aalala sa kanyang boses. May nasabi ba akong masama? Kung meron sorry ha! Uy! Sunod sunod na tanong ni bebs.
Ha? Ano ka ba wala no! Mabilis kong tugon sa mga tanong niya.
Akala ko naman! May nasabi na akong masama! Bakit ka kasi tumahimik tapos bigla bigla ka pang titigil!
Ah kasi po, nandito na tayo sa tapat ng room natin! Saad ko. Alam ko naman na nag aalala si bebs. At alam ko rin na napansin niya. Ang pamumula ng mata ko.
Pero hindi niya ipinapahalata. Katulad nila mommy. Alam ko na pinapalakas lang nila ang loob ko at makalimutan na yung nangyari. Kaya laki ng pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil hindi nila ako sinusukuan.
Ah nandito na pala tayo. Hehe. Saad niya. Tapos ngumiti ng malapad. Then sabay na kaming pumasok sa room.
Pagpasok namin. Hindi pa mashadong puno ang loob at marami pang bakanting upuan. Dumiritso na lang kami ni bebs sa likod. Malapit sa may bintana.
Pag upo namin ni bebs ay naalala ko yung kanina. Bago kami pumasok dito. Hindi dahil sa sinabi ni bebs kaya ako na tulala. Natulala ako dahil parang nakita ko si kiepper! Hindi ko alam, baka dahil lang yun sa pamamaga ng mata ko, kaya na malikmata ako. Kaya hindi kona sinabi kay bebs.
By the way! Bago ko makalimutan. Ang dami kasing gumugulo sa sa utak ko eh! Tapos dumagdag pa ang mga kuyumad sa ulo ko! ang kati kati nila! Nakakainis! Mga salaula!
Hmm, So ito na! Let me introduce my self. I'm Alexa Camille Salazar. But call me alexa yan kasi ang tawag sa akin ng family ko at close friends. Si daddy ang nagbigay ng name ko galing daw yan sa name niya and name ni mommy. Haha parang bata no? At yan ang history ng maganda kung pangalan.
Alexander Salazar ang name ni daddy and Camilla Diaz naman ang kay mommy. Mga pang sosyal ba ang pangalan? Haha sana oil! A astig kasi ng mga lolo't lola magbigay ng name eh!
I have my sister Kyle Assiana Salazar. Mas bata siya sa akin ng 2 years. Third years high school na siya. And galing din kami ni bebs sa school na pinapasukan niya.
I'm already 17 at 1st year collage at the adam'z University.
And sempre I have my gorgeous bestfriend. But minsan sinusumpong ng tupak. Haha. No other than Shanel Natividad. Wew! Bestfriend na ata kami nyan since birth. Magkaklase simula elementary at hanggang ngayon hindi kami naghiwalay. Hehe. Tatag no?
YOU ARE READING
Mysterɪᴏᴜs TwinS
Misterio / SuspensoIsang taon na buhat ng mawala si kiepper na kasintahan ni Alexa. Ngunit sa hindi malamang dahilan ng pagpanaw ng kanyang nobyo. May darating naman na hindi inaasahang tao. Na aakalain niya na ang kanyang kasintahan ay buhay pa, dahil sa iisa nitong...