Chapter 5️⃣

7 7 1
                                    


Fuschia's POV

Hours have passed and it's already 6 in the morning. Sana nga lang ay umalis na sila dahil hindi ko na kayang makita ulit sila ng kahit minsan lang. They have already created a hole un my life and I will never, ever forgive them.

"Fuschia?" nakilala ko ang bosea ni nanay na syang tumatawag sa aking mula sa labas ng aking pinto. Mabilisan kong pinahid at iniayos ang sarili ko nang makita kong pinipihit na nya ang sedura ng pinto ko.

"Umalis na sila anak." bungad sa akin ni nanay. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nalaman ko. Mabuti na lang ay umalis sila kaagad.

"Mamayang gabi pa ang dating ni sir Darwin kaya pwede ka pang manatili dito hanggang hapon." nanay informed me. Tumango naman ako bilang pagpapahiwatig na naiintindihan ko.

"Nanay, hindi po ba kayo aalis dito?" tabong ko kay nanay.

"Hindi anak. Ang bilin ni sir Darwin ay huwag nang paalisin ang mga gusto pang manatili dito para hindi sya mahirapang maghanap ng mga katulong. Naisipan ng karamihan sa amin na manatili nalang dahil mahirap maghanap ng trabaho." mahabang sagot ni nanay sa tanong ko.

"Bakit hindi ka po umalis dito? Kaya nyo naman pong mabuhay nang hindi nagtatrabaho para sa iba." dagdag ko pa. Nginitian lang ako ni nanay saka nya ako hinapit palapit sa kanya.

"Oh, heto pala. Iniwana ng madrastra mo." iniabot sa akin ni nanay ang isang envelope. Parang alam ko na ang laman nito. Tama nga ako dahil ito yung ibinibigay sa akin ni Daniene kanina na hindi ko tinanggap.

"Nay' sana hindi mo nalang kinuha. Ayoko nyan." pabebe kong sabi. Napabuntonghininga sya.

"Anak, kakailanganin mo yang perang iyan sa mga sumusunod na araw. Kung ayaw mong gastahin ay itago mo nalang para may magamit ka sa oras ng pangangailangan." pagpapaliwanag ni nanay. Naiintindihan ko naman ang punto nya.

"Naiintindihan ko po. Pero hindi ko matatanggap itong hati ko sa bayad nitong bahay." sabi ko habang tinititigan ang cheque.

"Kung talagang ayaw mo, bakit hindi mo nalang i-donate?" suhestyon ni nanay na sinang-ayunan ko naman.

I know where to donate the money now.

I remembered when I'm still a toddler, my mother used to brought me with her to an orphanage. Hindi ko lang maalala kung ano ang pangalan ng ampunan na iyon.

"Nanay, do still remember the orphanage where mom used to visit when she's still alive?" I asked nanay. Tila iniisip naman nya kung ano ang pangalan ng ampunan na iyon.

"Bahay kalinga. Oo, bahay kalinga ang pangana nun'" sagot ni nanay. Naisipan ko namang i search sa facebook ang page nila.

"Mauuna na ako sa baba, anak. Sunod ka mamaya at ng makakain ka ng ng agahan." paalam ni nanay.

"Sige po, nay" sagot ko naman habang hinihintay ang search results.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang hinahanap ko. Sinasabi nya dito na yung mga gustong mag-donate ay magpunta ng pisikal sa bahay ampunan.

Nung nakaramdam ako ng gutom ay napagpasyahan kong bumaba para kumain. After eating breakfast, I have decided to take a walk in every part of this house for the last time.

"Nay, maglalakad-lakad lang po ako sa loob at labas ng bahay." paalam ko. Baka hanapin nya kasi ako.

"O'sige anak. Mag-iingat ka. Huwag masyadong magkapapagod." paalala ni nanay. Lumabas na ako at nagtungo sa likod ng bahay dahil naroon ang mini playground at ang swimming pool.

Dito kami madalas mag-bonding ng mga magulang ko nung kompleto pa kami. This area in our house was the most happiest place. Inalis ko ang sapin ng paa ko at inilublob ito sa tubig ng swimming pool habang inaalala ang mga masasayang nangyari sa lugar na iyon. Nung magsawa na ako ay pumasok ako sa loob upang magtungo sa mini library.

Doon ang dating opisina ni dad nung buhay pa si mommy. Lumipat lang sya nung nawala na si mommy dahil siguro sa masasayang ala-ala naming magpapamilya doon. Naglibot ako sa mga bookshelves doon na medyo matangkad sa akin ng konti.

Bumalik ako sa table dati ni dad at umupo doon. Binubuksan ko ang bawat cabinet, hoping that I could see something interesting pero wala.

Bumalik ulit ako sa bookshelves para kumuha ng mga librong babasahin ko kapag umalis na ako dito.

I have already picked 10 books at napagpasyahan kong tama na ito nang mahagip ng mata ko ang isang libro. It is entitled "Leaving Fuschia". Kumabog ng malakas ang puso ko nang mahawakan ko ito. It feels like there's something in this book. Bubuklatin ko na sana nang biglang bumukas ang pinto.

"Kanina pa kita hinahanap anak. Tara na at kumain." napatingin ako sa wristwatch ko upang alamin kung anong oras na. It points out on 12:30. Masyado akong nawili sa paglilibot sa bahay.

"Sige po." sabi ko at sumonod na kay nanay na nagpatiuna na.

After eating lunch meals. Napagpasyahan kong iayos at ibaba na ang mga gamit ko para mas madaling isakay mamaya sa sundo ko. Tinulungan ako ng mga maids para ibaba ang mga gamit ko. Nung tapos na lahat ay bumalik ako sa library room at kinuha ang librong naka-agaw ng pansin ko at iniwan na ang sampung unang napili ko.

Habang hinihintay ang susundo sa akin ay naglibot muna ako sa huling pagkakataon. Leaving this place made me sad and broken. I never imagined that this things would happened today. Now, I'm leaving all memories behind.

"Fuschia, nailagay na namin sa loob ng sasakyan ang mga gamit mo. Ikaw na lang ang hinihintay." humarap ako kay nanay at niyakap sya.

"Palagi kang tatawag kapag may oras ka ha? Sisikapin kong ibalik ka sa bahay na ito." sabi ni nanay na syang nagpaiyak sa akin. Sana nga babalik talaga ako sa bahay na ito.

"Bye, mag-iingat ka lagi." my heart broke for more while my sight to the house is getting smaller and smaller. This is it! I'll learn to be independent starting today.

Since I am out of grip from my step mom, I have now the freedom to live what I want. I have now the freedom to continue my painting study and reach my dream. I'll be a great painter in the future, and I promise you that.

_________________________________
11262020

3 chaps update. Nakks. I'm inspired by TAeSuSOnmention a user. Thank you for supporting me non-stop. I may not be supporting you like you do to me, I'll promise to be there always as you create a name in wattpad world. 😊😊. Thank you very much chinggu❤️

Thank you for reading!

Please leave some comments and don't forget to hit that twinkling star 🌟 at the bottom

© 2020 by Lyric_xixi20

𝑶𝒏𝒄𝒆 𝑼𝒑𝒐𝒏 𝑨 𝑪𝒊𝒏𝒅𝒆𝒓𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑺𝒕𝒐𝒓𝒚Where stories live. Discover now