Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng bigla akong halikan ni Lian sa labi. Parang ngayon lang ako nakaranas ng first kiss, kung meron mang ganun na pangyayari.
Ang lambot ng kanyang mga labi, parang gusto kong ulitin ang ginawa niya sa akin. Naku! kung malalaman lang ng mga madre ng highschool kung saan ako nagtapos ang aking mga iniisip malamang may kurot na ako sa singit."So kailan mo ako ililibot sa buong Cebu?" si Lian.
"Buong Cebu talaga? Kung hindi ka naman nagmamadali, we can start by looking for a place na pwede kang mag stay." nawala sa isip ko na may vacant ngayon sa townhouse namin.
"That's a good idea, pero wala nga akong alam dito sa Cebu. Do you know a place where I can stay?" she asked while looking straightly into my eyes.At napansin kong ang ganda pala ng mga mata niya. May pagka-chinita, then her lips na natural na mapula. Bigla akong napalunok, naging dahilan ng pagkasamid ko.
" Are you okay? " bigla lipat ni Lian ng upuan at tumabi sa akin, sabay hagod ng likod ko.
Inabutan ako ng tissue at isang baso ng tubig."Sorry,may bigla lang akong naalala. Pasensya ka na, sometimes ganito talaga ako. Spacing out kahit may kaharap akong tao." hingi ko ng paumahin sa kanya.
Kahit ang totoo, siya lang naman kasi ang dahilan bakit ako parang tanga habang nagsasalita siya. Hindi ko kasi lubusang maisip na may babaeng katulad ni Lian na ma-aattract ako, ayan inamin ko na agad sa sarili ko. Yung mere fact na babae siya at babae din ako pero, hindi ko maipaliwanag yung kilig, saya at contentment na nasa puso ko. She excites me but also scares me in every possible way.
"I'm okay now." wika ko ng makabawi na ako, at pantay na ang paghinga ko.
"Are you sure?" naninigurong tanong niya sa akin.
Tumango ako at saka ngumiti sa kanya.
"Let's finish our food first then saka tayo magkwentuhan." si Lian.
We decided to look for a cafe nearby para makapag-kwentuhan kami ng maayos. May natagpuan kami sa hindi kalayua. Konti lang ang tao at relaxing ang ambiance.
Siya na ang omorder ng iinumin namin. Saka ko naalala yung vacant unit sa place ko.Pagbalik niya.
I took the coffee she gave me and sip. This is my kind of coffee, 'yung aroma pa lang gising na gising na ako.
"Do you want to stay at my place?" tanong ko. Bigla syang natigilan sa tanong ko... may mali yata ako ng tanong.
"I mean, doon sa vacant unit kung saan ako nakatira." sabay-bawi kong sabi.
"Sige ba, akala ko sa bahay mo mismo.." may pagka-pilya niyang wika.
"Just tell me kung kailan ka free, para makita mo' yong place at kung pasado ba sa taste mo."
"Tomorrow, may work ka ba?" tanong ni Lian sa akin.
"Yeah, meron pero I usually go out at 5. Free na ako onwards." iniisip kong ayain na rin siya na magdinner.
"Okay, let's meet after your office hours para makita ko yung sinasabi mong unit."
Marami pa kaming napagkwentuhan after that. Nalaman ko na only child siya at father niya ang nagpapatakbo ng business nila ngayon. She finished architecture and planning to put up a company of her own in the near future. Nalaman ko rin ang reason kung bakit siya naging tambay sa chatroom. - babae ang dahilan.
Napagod kakahabol sa babaeng minsan niyang nasaktan at napaiyak. She regretted it daw pero fate na rin daw siguro yun kasi nakilala niya ako. Nasasaktan ako para sa kanya kahit wala naman ako sa eksena ng buhay niya na hinahabol niya yong girl. Napaisip ako, lahat nga siguro nagkakamali at some point in our lives. Pero may redemption naman, yun nga lang hindi na siya binigyan ng chance ng girl...
Well, its my gain naman, kasi if not for that hindi ko siya kaharap ngayon. HIndi namin namalayan pareho na magsasara na pala ang cafe.
"Let's go, hahatid na kita sa inyo." yaya niya sa akin.
Natawa ako bigla parang alam kung saan ako nakatira. Ako dapat ang magyaya sa kanya.
"Hahaha!!!" hindi ko napigilang tumawa.
"Sira, parang alam mo ang uuwian ko."
"Ako na ang maghahatid sa iyo sa hotel mo, then saka ako magtataxi ako pauwi sa bahay." I suggested.
Naglakad na kami pabalik sa hotel na tinutuluyan niya.
"Okay, bukas na lang. Meet na lang tayo dito sa lobby ng hotel, then deretso tayo sa bahay." sabi ko at tatalikod na para pumara ng taxi.
"Yes, see you tomorrow and goodnight." nakangiting sabi ni Lian.
Tatalikod na sana ako ng bigla niya aking hilahin pabalik sa kanya. Nawala tuloy ang balanse ko, mabuti maagap niya akong nahawakan sa beywang to keep me steady.Napatingin ako sa maganda niyang mukha,pababa sa kanyang mga labi. Yumuko ito upang maabot ang mga labi ko. Mas matangkad si Lian sa akin so basically nakatingala ako. Marahan niya akong hinalikan sa labi at saka mahinang sabi...."Lady, thank you for this wonderful night... and for being you." saka marahang halik sa noo ko.
Pakiramdam ko hawak na ni Lian ang mundo ko sa mga oras na iyon.
Napapikit ako at saka huminga ng malalim.
"Salamat din Lian." mahina kong sabi at ngumiti sa kanya.
AUTHOR NOTE:
Short but sweet updates my lovelies.❤️💋💕