Prologue: Ang Pagbabalik

2 0 0
                                    

"Manong, sa harap po ng computer shop sa ikalawang kanto." Hindi ako makapaniwalang masasabi ko ulit ito sa pedicab driver. Nakakapanibago.

Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito sa San Isidro. Simula nang naghiwalay kami, ni ayaw kong makita ang lugar na ito pero tingnan mo nga naman ngayon. Dito parin ako papunta. Dito parin ako dinala ng tadhana. Pero bakit? Bakit kailangan pang sa ganitong rason? Ayoko atang bumaba sa tricycle. Naninigas ang mga paa ko. Ayoko. Nananaginip lang siguro ako. Sana panaginip. Sana gumising na ako. Ayoko dito. Hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi ko kaya.

"Tao po. Auntie? Ola?" Wala pa atang tao.

"Ate Riel? Kumusta ka na? Buti naman nakapunta ka." Namamaga pa mga mata ni Ola. Anong... sasabihin ko.

"Hi Ola. Okay lang naman. Ikaw? Kayo? Kumusta na?" Nanginginig ang mga labi ko.

"Eto. Di parin kami makapaniwala. Pasok tayo, ate."

Papasok ba ako? Eto na. Haharap na ako sa katotohanan. Wala nang atrasan. Gusto kong mawala ng parang bula.

"Kuya. Nandito si ate Riel."

"Carlo. Andito na ako." Hindi ko kinaya ang nakita ko. Tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha ko hanggang sa napahagulgol.

"Ate. Nung isang araw nag-ayos si kuya ng mga gamit niya. Tinawag niya ako tapos sabi niya na gusto niya raw itong ibalik sa iyo." Inabot sa akin ni Ola ang isang pamilyar na kahon. Tandang-tanda ko pa lahat ng mga laman ng kahong iyan.

"Carl. Ano to? Ha? Ang-- ang daya mo." Kinuha ko ang kahon at binuksan. Para akong dinala sa nakaraan. Nakaraan na sana ay hindi naman sinayang.

"Hanggang ngayon... sinasaktan mo parin ako. Sobrang sakit. Paano ko to makakaya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Muling PagkikitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon