KINAKABAHAN at halos naiiyak na nakatayo ako malapit sa hagdan paakyat ng stage.
Natawag na ang top 3 kaya top 2 na ng klase naming mga grade 4 students ang susunod na tatawagin. Kaming dalawa na lang ni Jadh ang natitirang nakatayo sa paanan ng stage kaya ibigsabihin ay isa sa amin ang top 1.
Fingers crossed, sana ay ako ang top 1. Nanonood pa naman si nanay at tatay ngayon kaya sana lang talaga ay ako ang top 1 para maging super proud sila sa akin.
Isa pa, kapag ako ang top 1, ipagtatapat ko na kay Janine na crush ko siya. I knew for a long time na crush niya ako kaya siguro naman ay oras na rin para aminin ko sa kan'yang crush ko rin siya.
"Grade 4's top 2 is... Ander Jadh B. De Castro! With an average of 94.2, best in Math, Physical Education, Araling Panlipunan, and Science!"
Jadh glanced at me. Hindi niya sigurong ine-expect na siya ang magiging top 2. Kahit naman ako ay hindi rin ine-expect iyon. For the past years, simula nang grade 1 kami, si Jadh lagi ang top 1 at ako naman ang top 2-4.
I bit my lip to suppress a scream. I looked at Janine who's cheering and smiling at me.
"Grade 4's top 1 is Aiden Ryder O. Caparas! With an average of 94.5, best in English, Filipino, Values Education, Music, and Health!"
Tuwang tuwa akong pumunta sa stage habang kahawak-kamay si nanay. She smiled widely to me. Halos wala nang mapaglagyan pa ang ngiti sa mukha niya dahil sa sobrang saya niya.
Kinawayan ko si Janine na nasa ibaba ng stage at nakatingin sa akin habang sinasabitan ako ng medal ng principal. I gave her a flying kiss and winked at her. Agad namang namula ang pisngi niya dahil sa ginawa ko.
Smiling like I am in cloud 9, I went down sa stage. Pagkatapos naming mag-picture ni nanay ay agad akong tumakbo papunta kay Janine na ngayon ay nasa pinakatuktok na parte ng SM Cinema kung saan walang tao.
"Janine!"
"A-Aiden."
There is a meter distance between us. "Meron akong sasabihin sa 'yo, Janine," saad ko.
"Ano 'yon, Aiden? Tungkol saan?" tanong niya.
I bit my lip. Napakamot ako sa likod ng ulo ko para tanggalin ang hiyang kumakain sa buong pagkatao ko. "I think I have a crush on Uranium," sambit ko.
Bahagyang bumuka ang bibig niya at nangunot ang noo. "S-Sino si Uranium, Aiden? Kilala ko ba siya? Bakit naman may crush ka sa kan'ya, huh? Anong nakita mo sa kan'ya kaya ka nagka-crush sa kan'ya? Maganda ba siya? Mabait ba?" sunod-sunod na tanong niya na para bang sobra siyang nasaktan sa sinabi ko.
Hindi niya ba na-gets ang sinabi ko? Sinungaling si Google! Sabi niya ay kapag sinabi ko daw iyon sa crush ko ay kikiligin daw ito at mapapasagot ko.
"Ah... Oo, maganda siya at mabait. Bakit ako nagka-crush sa kan'ya? Nasa kan'ya na kasi yata ang lahat, eh. Lahat ng hinahanap ko, nakita ko na sa kan'ya kaya sa tingin ko ay hindi ko na siya papakawalan. At isa pa—"
Pinigil ni Janine ang sinasabi ko. "Bakit siya, Aiden? Bakit hindi na lang ako?" tanong niya.
I bit my lower lip. Bakit sobrang ganda niya pa rin sa paningin ko kahit na nagseselos siya? Parang dumoble ang kagandahan niya ngayong nagseselos niya. Ang hindi niya lang alam ay sarili niya na mismo ang pinagseselosan niya.
"Hindi mo talaga kilala kung sino si Uranium?"
"Hindi nga!"
"Ikaw 'yon Janine. Ikaw ang tinutukoy ko."
"Huh? P-paano?"
"Ano ba'ng symbol ng Uranium?" tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ko alam," walang pag-aalinlagan niyang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...