Sa pag pasok ni Natasha sa audition room nag hanap muna kami ng makakainan ni sophia at sakto may bakanteng upuan sa loob ng Jollibee at doon na rin kami umorder ng pagkain naming tatlo.
"Grabe ang daming tao ngayon dito sa mall noh girl?"-sabi ni Sophia sa akin
"Oo nga eh...siguro sweldo o day off ng mga empleyado ngayon kaya madaming tao sa mga malls."-sambit ko naman kay Sophia.
"Ano na kayang ginagawa ni nata ngayon? Siguro naka pasa siya sa audition? Sana naman makapasa siya ngayon."-pag tataka ni Sophia habang kumakain.
Oo nga naman kamusta na kaya si nata
At hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakalabas sa audition room... siguro
Ang dami ng tinatanong sa kanya marami kasi yung talent eh tulad kumakanta siya sa mga bara-barangay, fashion show sa mga malls, beauty pageants, extra sa mga TV commercials, o diba ang daming raket at talento ng kaibigan ko."Hi girls!"-pagkalabit sa amin ni nata na hindi ko malaman ang mukha nito kung malungkot ba siya o ano.
"Oh bakit parang malungkot ka? o ano kamusta naman ang pag audition mo sa sinalihan mong contest natanggap ka ba o hindi?"-tanong ko sa kay Natasha
Agad naman kaming nabuhayan ng loob ni Sophia ng ngumiti sa amin si Natasha sa aming dalawa.
"Nakapasa ako girls matutupad na yung pangarap kong maging artista!"-sabi ni Natasha sa aming dalawa ni Sophia.
At habang nag eenjoy at nag cecelebrate kaming tatlo agad ko namang nahagilap ng mga mata ko sina ibaro at ang kanyang mga katropa
Sa department store at May kasama pa silang mga girls na ang mga suot na kung aakalain mo ay parang mga (pretty in short) sa mga bar dahil sa kanilang mga hitsura na mukha ng mga clown nang dahil sa kapal ng makeups nila..."Girls nakikita nyo ba yung nakikita ko?"-sambit ko kina Natasha at Sophia habang umiinom sila ng softdrinks at agad naman silang napalingon sa department store kung nasaan sina Ibarro.
"Well well well look who's here such a very small world nga naman diba?"-sabi naman ni Natasha habang nakatitig siya kay Nathan na gusto na niyang gantihan sa ginawa ni Nathan sa kanya.
"May alam akong paraan nata!"-agad namang ibinulong sa amin ni Sophia ang kanyang naisip na plano.
"Ok tara nakahanda na ako"-sabi ni Natasha nang Naka smirk with an evil face.
Nag lakad kami papunta sa department store kung saan namimili ng mga damit ang mga girls na kasama nina Ibarro at ng kanyang mga barkada at tsaka kami sumingit sa kanila nang nakatalikod pa kaming tatlo.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nabangga ko ang babaeng kaakbay ni Ibarro at mukhang galit na galit ang bruha.
*Blag!*
"Ouch!!!~ hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo b*tch?"-sabi ni ate nyo ghorl na parang sa iba planeta nanggaling at minura nya pa ako talaga ha!.
"Sarre naman miss hindi ko naman alam na nandiyan ka pala sa unahan...akala ko kasi puno ka na nalagasan na ng dahon."-sabi ko dito sa babae ni Ibarro na halos lantaran na ang kanyang suot-suot na damit.
Sus maryosep sana ay wala mangyare sa akin kapag nagkalintikan kami dito dahil mukhang maiirita na ito sa kaartehan nitong babaeng ito.
"Excuse me? me a tree inside of this mall? Gusto mo ba ng away ha? Kasi ako gusto ko eh!"-sabi ni ate girl nyong bruha na mukhang pikon na pikon na habang nakatalikod ako.
Tapos yung mga alagad niya mukhang handa na rin sa away palibhasa mga asal kalye itong mga to eh noh 😑
"What's your problem ba miss? eh ikaw naman kasi itong nakahara sa dinadaanan namin at tsaka kung saan saan ka kaya nakatingin."-Sambit naman ni Sophia kay ate girl na mukhang clown.
"Ah ganun?"-sabi naman ni ate girl...
Sasampalin na sana ni ate girl si Sophia kaso agad naman itong nasalo ni Ibarro.
"Hilda chill!~ huwag idaan sa init ng ulo mo ang pag aaway nyo dito dahil nakakahiya sa mata ng maraming tao."-pag pigil ni Ibarro sa kamay ni Hitler? Hetty?.
Agad namang napalingon sa amin si ibarro at nag evil smirk pa nga ang mokong na ito sa akin, samantalang itong Nathan na ito kung makatitig kay Natasha akala mo nakakita na ng kung ano kay Natasha... pero hindi niya alam na ang babaeng nasa harapan niya ay ang dating Natasha na mataba noon. At si Sophia naman mukhang handa na ring makipag away sa mga babaeng clown na to.
"Ano naman ang ginagawa nyo dito aber?"-tanong sa amin ni Ibarro na sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang baywang.
"Malamang nagpapalamig kami dito eh kayo anong ginagawa nyo dito?."-sagot ko sa kanya.
"Same."-sabi ni naman ni Nathan.
"Ah talaga? Or maybe May iba pang kayong pakay bukod sa pagpunta nyo dito sa mall?"-sambit ni Natasha.
"Pwede ba manood na nga lang tayo ng movie...kaysa ang makipag away nakakahiya naman kasi dito eh."-singit ng isa sa mga barkada nilang dalawa na naiinip na.
"Your right sweetie let's go na girls, Hilda tara na wag nga naman nating sayangin ang oras natin sa kanila."-pag suway din ng kasama nilang girl kay Hetty?.
Pagkalampas Nina Ibarro sa amin ay tinitigan ako ng masama ng Hetty na ito.
"Makaka ganti din ako sa iyo b*cth tandaan mo yan pati kayong dalawa.
!"-sabi sa amin ni Hetty."Hindi kami natatakot sa inyo kahit na mag sama ka pa ng mga alagad mo."-sabi din naman sa kanya ni Natasha with matching crossed arms pa.
At agad na ngang nawala sa paningin namin ang bruha kasama sina Ibarro at Nathan with their barkada.
*Hypermarket*
So ito na nakapamili na ako ng mga groceries na kakainin din namin sa bahay. At nakapila na kami dito sa counter para makapag bayad at makauwi na kaming tatlo.
"2,365 po ma'am."-sabi ni ateng cashier sa akin.
"Ito po."-sabay abot ko kay ateng ng pera na ibinigay sa akin ni mommy kanina bago ako umalis ng bahay.
YOU ARE READING
THE PLAY BOYS MEETS THE AMAZONA GIRLS
RomanceMeet the writer of this story first po. RAECHEL MARIE B. LABORTE the author of this story ... si raechel po ay isang estudyante na mahilig mangopya sa kanyang kaklase... mahilig rin siya sa mga pagkain kaya naman ay medyo naging ma...