PROLOGUEDeborah
"BILIS BORAH!!" Napakagat na lamang ako sa aking labi habang mabilis na nagsusulat sa scratch paper ng mga sagot ko sa Filipino Quiz namin
Binigyan kasi kami ng teacher namin ng surprise quiz at ang mga kaibigan ko naman, sobra sobrang nasurprise to the point na wala silang sagot at nagaabang na lang sa sagot ko
"Uso kasi magreview di ba Brian?" Natatawa at naiiling ko sambit sa katabi ko na hindi magkanda ugaga sa pagsulat
"Kamay mo Borah hindi ko makita!" Inis na bulong naman ng isa pa sa likod ko
"Oh 'yong mga matanglawin dyan ha, babawasan ko 'yang scores niyo tignan niyo 5 minutes na lang"
Mabilis kong inilipat sa maayos na papel ang mga sagot ko mabilis rin ang mga kamay ng nga katabi ko sa pagsulat
"2 minutes"
"Shit, di ko makita ano ba 'yan!" Napalingon ako sa ikatlong katabi ng mga kaibigan ko
"Okay ka pa jan Jacob?" Tanong ko rito saka ibinalik ang tingin sa papel at nagpatuloy sa pagsusulat
"Pre di na ako nakahabol" iiling iling na wika nito
Napabuntong hininga ako, dahil mabait akong kaibigan ay kinuha ko ang scratch paper ko na sinulatan kanina at nilagay ang pangalan niya doon, iniba ko ang ibang mga sagot para hindi mahalatang kopya saka patagong inabot kay Jacob
"Thank me later" natuwa naman ito at di maipaliwanag ang saya
"Nice one!"
"Times up!" Napangisi ako habang ipinapasa ang mga papel namin
"Pwede na kayong maglunch, lagot sa akin ang babagsak sa quiz ha bye" pagpaalam ng teacher namin saka lumabas ng classroom
Agad kong nilingon si Jacob na ngayon ay prenteng prente ng nakaupo
Nice one, nakajackpot ata siya sa mga sagot ko
Lumapit ako rito saka sinabunutan "AW!!" Malakas na bulyaw nito sa akin "Libre mo ko, bayad sa sagot na binigay ko kanina" nakangisi kong wika
"Naks, naman Jacob" pangaasar naman ni Brian
"Thank you na lang Ms. Pressy" tatawa tawang banat ni Jacob sa akin pero sinamaan ko lamang siya ng tingin na siyang ikinayuko niya
"Ano bang gusto mo Ms. Pressy?" Dali dalin tumayo si Jacob na ikinatuwa ko, sabi ko na nga ba eh hindi ako matitiis ng mokong 'to
"Sama ako, Borah" Agad na sinara ni Kevin ang binabasang libro at sumabay sa amin nila Jacob palabas
Papalabas na sana kami ng pintuan ng makasalubong namin bago naming kaklase na si Ellrios
Napatitig ito sa akin kaya naman nakipagtitigan din ako rito ito na ang kusang nagalis ng tingin dahil napakawkward ng tinginan na iyon!
"Magkakilala ba kayo?" Tanong ni Kevin sa akin
Napangiwi ako "Hindi 'no, tinitigan ako eh kaya tinitigan ko rin" natatawa kong wika
"Baka naman malove at first sight ka niyan" pangaasar naman ni Brian sa akin
"Oo nga 'no baka mainlove ka kay Ellrios niyan ha!"
"Hahahahaha!" Naaasar ko namang pinalo sa braso niya si Jacob at Brian dahil sa mga pinagsasabi nito
Jusko wala sa diksyunaryo ko ang mainlove at magpakain sa distractions
YOU ARE READING
ENCOUNTER (On-Going)
General FictionDue to unexpected turn of events, Ellrios tried to go back to school again despite of all the changes that happens to him, where in he will encounter the role-model student Deborah. After the Encounter, they faces many conflicts that gives a reason...