Dedicated to queen_lyyn ishangsdc claudengggg wilhem0610 elizalengorgeous NoontimeSleeper Joyceeeee97 LoraineFranzSubilGul TefityKim
Episode Title:
"Petunia"
Nick's POV
"Ba't di mo kasama iyong girlfriend mo?"
Nagtaka ako sa tinuran ni kuya idol.
Huh? Sinong girlfriend? Tagal na akong single a. Sinong chismosa na naman ang nagpakalat neto?
"Yung babaeng chinita. Si... Mitch ba iyon?"
Alanganin akong napangiti.
Ito na naman.
Madalas kaming pagkamalang magjowa ni Mitch, pero, ewan ko ba, hindi ko iyon binibigyan ng pansin. Taena, sa buong buhay ko, kasama ko na si Mitch, tapos magiging jowa ko pa? Pwede ba iyon?
"Di kami magjowa kuya." Pagtatanggol ko sa sarili. Pinagmasdan niya lamang ako ng may malisya.
"Ito issue masyado."
Napailing si kuya Idol habang nakangiti. "O dinagdagan ko ng cream 'yan. Para mas lalo kayong maging sweet."
Hinipan ko ang dalawang binatog. Ang init masyado. Humahalo sa init ng Tugegarao.
Hapon na pero mainit pa rin.
Hindi ko na napansin na nahulog na pala ang mga barya sa bulsa ko. Ipinatong ko muna ang binatog sa isang bakanteng upuan.
Habang pinupulot ko ang barya ay may pumantay ng upo para tulungan ako. Nakaitim ito ng suot.
Napakurap ako nang maalala ang nangyari sa lounge noong isang araw. Alalang-alala ko pa rin ang mukha niya.
Hindi ko naiwasang sulyapan ang babae. Teka, pamilyar siya. Saan ko ba siya ulit nakita...
Ah! Siya yung babae sa meeting kanina!
Inabot niya saakin ang barya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
"You must be Julia's son?" Malamig niyang sambit.
Tila inuutusan niya akong tumango kaya naman iyon ang ginawa ko.
Sabay kaming tumayo. Sinubukan kong suminghot. Tila ba kumiliti sa ilong ko ang pabango ni Mitch. Pareho ba sila ng perfume?
"I think you need to find your friend." Aniya sabay tapik sa balikat ko. "Go now, before it's too late."
Akmang lilingunin ko ito nang bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.
Kinuskos ko ang mga mata ko. Minumulto ba ako?!
Pero shuta, bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
Agad kong kinuha ang binatog at saka binalikan kung saan ko iniwan si Mitch.
Pero wala siya roon.
Shit na malagkit.
Sinubukan kong magtanong kung nakita ba nila si Mitch, pero lahat sila negatibo ang sagot.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
Fiksi UmumWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage