Writer's Note: Character portrait of Ephraim (courtesy by ZenRoxen_Boy) on the multimedia section.
"'Di naman siya sobrang guwapo ngunit siya ang type na type ko... Bakit ba ganito ang nadrama ng puso ko?"
—Rachel Alejandro (Mr. Kupido)
ɴᴀɢɪsɪɴɢ ᴀᴋᴏ sᴀ isang malakas at paulit-ulit na kalabog na hindi ko alam kung saan galing.
Napakunot ang noo ko. Napakamot ng ulo habang nakasara pa rin ang mga mata, pinipilit na bumalik mula sa pagkakatulog ko. "Ano ba namang ingay 'yan?" nayayamot kong sabi at pagkatapos ay nagpalit ng puwesto mula pagkakadapa. "Ang aga-aga, o! Nang-iistorbo ng tulog!"
"Hoy, anong maaga!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses na iyon. Si Mama ba 'yon? "Para lang sabihin ko sa iyong bata ka... Kanina pa tunog nang tunog ang alarm clock mo! Anong oras ba pasok mo, a?"Pasok?
Napadilat ang mga mata ko at agad-agad na kinuha ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita. "Ohmygosh, maga-alas siyete na!"
Kaagad akong napabangon mula pagkakahiga sa kama. Wala pa ako sa wisyo at litong-lito pa rin sa mga pangyayari pero una kong hinanap ang tuwalya ko habang iisa lang ang nasa isip ko noong mga panahon na 'yon. Late na'ko... Late na'ko... Late na'ko!
Pakiramdam ko ay kinabog ko na si Flash, si Road Runner, at si XLR8 ni Ben10 sa bilis ng mga kilos ko, dahil pagkakuhang-pagkakuha ng tuwalya ko ay siya namang bilis ko sa pagtakbo papuntang pintuan palabas ng kuwarto. Naabutan ko naman si Mama na nandoon, sinalubong ako.
"Ma! Ba't 'di mo ako ginising!" bungad na pagyayamot ko sa kaniya habang mabilis na kumikilos papuntang banyo. "Nakakahiya... First day na first day ng klase, late ako!"
Sumunod naman si Mama sa akin papuntang kusina na katabi lang din ng banyo namin. "Aba, e malay ko ba diyan sa sched mo? Kanina pa kita tinatawag, ayaw mo naman bumangon! Ano bang oras ang klase mo?"
"Alas-otso, Ma! Alas otso!" Pagkatapos ay pumasok na ako ng banyo at nagsimulang mag-ipon ng tubig sa timba nang mapansin na nawawala ang tabo ko. "Ma! Nasa'n ang tabo?"
Lumabas ako ng banyo at nakita na naglalakad na siya palapit sa akin, hawak-hawak ang putting tabo namin. "Bilisan mo sa pagligo! Kilala kita, halos isang oras ka maligo!" bilin pa niya sa akin.
Tumango na lang ako, bumalik sa banyo, at sinimulan na ang mabilis na pagligo.
━━━━━
"ʜᴇʟʟᴏ ɢᴜʏs! ᴀᴋᴏ nga pala si Ephraim Morales. Seventeen years old at Grade 11 - HUMSS student. Mahilig ako sa-Teka nga lang!"
Napakamot ako ng ulo at kaagad na kinuha ang cellphone ko na nakasandal sa libro sa study table. Inangat ko ito hanggang sa nakikita na ng camera ang mukha ko. "Jusko, bakit ko pa sasabihin grade level at strand ko, e magkaklase naman kami?" sambit ko habang nakaharap pa rin sa cellphone, bini-video-han ang sarili ko.
"Hay nako, guys! First day of class na naman at kinakabahan talaga ako sa introduce yourself!" Patuloy akong nagre-record habang paikot-ikot sa kuwarto, hinahanda ang susuotin ko papasok sa school. "Tapos ito pa! Seven-eighteen na, wala pa ako sa klase! Jusko talaga! Ang dami-dami ko pang chika, guys, pero male-late na ako kaya mamaya na lang, okay? Laters!"
Pinindot ko na ang stop recording button at pagkatapos ay nagmadali nang magbihis ng uniporme ko. Nakasuot na ako ng puting tshirt at shorts kaya polo, black pants, medyas at sapatos na ang sinuot ko. Nang makabihis na ay kaagad kong kinuha ang backpack ko na inihanda ko na kagabi at iilang libro na hindi nagkasya sa bag bago lumabas na ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
Rehashed [First draft]
Romance"Walang kinikilalang kasarian ang pagmamahal." Date posted: December 18, 2020 Edited on: XXX