Chapter 46

1.5K 53 75
                                    


Yuki pov.


"Sigurado akong magtatalon sa tuwa ang anak ko pag narinig nya ng sinabi mo" napabalikwas ako sa dibdib ni sky at tumingin kay tita zabel na kasama si tito



"Naiimagine ko po yung expression ng muka nya kapag sinabi ko sa kanya ng harapan yun" pilit na ngiti pinakawalan ko kay tita



"Mahal na mahal ka ng anak ko yuki!!" sabay haplos ni tita sa buhok ko



"Alam ko po tita at mahal na mahal ko din po sya" doon na muli tumulo ang luha ko



"Baby girl!!!" tawag ni dad at mom samin na papasok sa kwarto ni sky, nginitian ko sila ng mapait



"Alam ko kahit anong pilit ang gawin ko hindi ka uuwe para magpahinga, kaya nag request kame ng isang hospital bed at dinala na din namin ang mga gamit mo galing sa hosital room mo" nakangiting sabi ni mom sakin



"Salamat mom, dad" sabay niyakap ko silang dalawa



"Tawagan mo kame pag may mga kailangan ka pa dito, zabel ikaw na bahala sa anak ko, dadalaw dalaw na lang kame dito"



"Oo naman cherry, dont worry"



Gusto ko tanongin kung paano sila nagkakila pero tinatamad ako, kung nandito si sky tuwang tuwa yun kase magkakilala ang parents nya at parents ko.



Ganito pala ang feeling sky, ganito pala ang feeling mo nung nalaman mo patay na ako, hindi ka pa nawawala sa mundo pero feeling ko namamatay na ako sa lungkot dahil nakaratay ka dyan.



Two years mo tiniis ang ganitong pakiramdam, pero ako? Ni wala pang kalahating araw ng malaman ko kalagayan mo feeling ko paulit ulit sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko.



Hinawakan ko ang kamay nya,habang ang mga parents namin ni sky lumabas. Ewan ko ano pinag uusapan nila



Pero nawawalan na ako ng gana sa lahat, ni pag salita halos pilit pa. Ang gusto ko lang sa ngayon titigan ang muka ni sky at manatili ako sa tabi nya



Kahit abutin ako ng linggo, bwan o kahit taon aantayin kita gumising.



Blake pov.


Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon