Chapter 31

6 2 0
                                    

[Sige, ingat ka!]

Huling sinabi ni Marco bago ko tinapos ang call. Pababa ako ngayon ng condo dahil mamimili ako ng mga gamit sa mall para ilagay sa bagong bahay ko.

Napag usapan namin ni Marco na magkikita na lang kami sa mall para tulungan niya akong mamili sa mga gamit na babagay sa bahay ko. Nagsuot lamang ako ng white floral dress at sling bag, hindi naman ako ang magbubuhat sa mga furnitures kaya ayos lang naman na mag dress ako.

Pumasok na ako sa kotse at nagdrive na. Hindi naman kalayuan ang mall, mga kalahating oras lang ang biyahe mula sa condo ko.

"Hello, Marco? Nasa mall na ako, saan ka na?" Tinawagan ko si Marco pagpasok ko sa entance ng mall.

[I'm sorry, Elle. May emergency, hindi kita masasamahan.] Pinatay ko na ang call nang marinig ko sa kanya 'yon. Naiintindihan ko naman na bawat nagpapatulong ako sa kanya ay may mahalaga siyang pupuntahan. Kaya ko naman sigurong pumili dito, magtatanong na lang ako sa mga sales lady.

Maya-maya ay tumawag na naman siya. [May tinawagan akong tutulong sayo, mas maalam siya dyan.] Sino na naman kaya ang tinutukoy ng lalaking ito!?

Pumunta muna ako sa restroom bago ko pinuntahan 'yung lugar na tinuro sa akin ni Marco kung saan kami magkikita nung sinasabi niyang tutulong sa akin. Is it Billy? Oh, huwag naman sana. Ayoko nang makita siya simula noong inaway ako ni Athalia. Gusto ko nang umiwas dahil ayoko na ng gulo.

Umupo ako sa labas ng restaurant na sinabi ni Marco. Nag cellphone na muna ako habang hinihintay ko siya. "Elle, let's go." Napa angat ako ng tingin nang makarinig ako ng pamilyar na boses. "Billy? Why are you here?" Natawa pa siya sa sinabi ko.

"Sasamahan kita. Tara na?" He smiled. I don't know kung uuwi na lang ako o sasabihin kong kaya ko namang mag isa. Nakakahiya rin naman sa kanya dahil pumunta pa siya rito para lang samahan ako tapos aatras ako? Ah, bahala na!

Tumayo na ako at nauna ako sa paglalakad. Hinayaan ko siyang sumunod sa likuran ko. Binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya ako masabayan.

Pumasok ako sa appliances store. "Nagmamadali ka?" Tanong niya nang mahabol niya ako. Umiling lang ako at dumiretso kung saan may mga tv.

"Nagpasama ka pa kung hindi mo rin ako kakausapin." Reklamo niya habang tinatanong ko 'yung sales lady kung anong inches ang mga available na tv. Tinignan ko siya at tinaasan niya ako ng kilay. "Edi ikaw ang mamili." Nakatingin lang 'yung sales lady sa amin.

"Malaki po ba 'yung living room ng bahay niyo Ma'am at Sir?" Tumawa ng malakas si Billy sa sinabi ng sales lady. What the hell!? BAHAY KO! "Oo, e." Alam na alam talaga akong inisin ni Billy! Hindi ba niya naaalala noong panahong kulang na lang ay burahin niya ako sa buhay niya dahil sa pandidiri sa akin?

"Heto po, Ma'am pwede siyang i-connect sa Youtube kapag nanonood 'yung mga anak niyo." Napalunok ako sa narinig ko. Mukha ba kaming mag asawa? I wonder maybe mag asawa na nga kami mgayon kung hindi kami mag kamag anak. "Ah, no. He's not my husband." Paglilinaw ko para hindi na siya magsabi ng kung anu-ano!

Tinignan ako ni Billy at parang nagtataka siya. Why? Totoo naman, ah! "Palalagyan mo rin ng tv ang second floor?" Tanong niya. Tumango ako. Namili na si Billy ng mga tv na sasakto sa pwesto sa living room ko at sa second floor pati na rin sa limang kwarto.

"Ano?" Inis na tanong ko sa kanya dahil nakatingin siya sa akin at parang may gusto siyang sabihin. "Pitong tv?" Nagtatakang tanong niya.

Of course, duh! Matagal kong pinag ipunan  ang lahat ng ito para mabili ko lahat ng mga magagandang gamit para sa bahay ko. Nang mabili na namin 'yung mga tv ay iniwan muna namin doon para hindi namin dinadala dahil marami pa kaming pupuntahan. Dadaanan na lang namin mamayang uuwi na kami.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon