Chapter 51: The Gathering
Freya's Point of View
Wala na ba talaga akong pag-asang mamuhay bilang isang normal na tao? Sunod-sunod na ang mga nangyayari. Kanina lang ay nasa library ako. And now?!
Napalingon ako sa aking kaliwa nang may narinig akong kaluskos. Wala akong nakita. Wala akong nakitang kahit daga man lang.
Sandali akong nanatiling nakatayo at hinintay ang sunod na mangyayari. Nagsimula akong maglakad habang nilalakbay ang aking mata sa paligid.
Madilim ang paligid at salamat sa liwanag na hatid ng buwan at may nakikita pa ako. Nasa isang abandonadong gusali ako. Sa first floor ng building ay open space lamang at tanging mga haligi lang ang nandito.
May kalumaan na ang gusali, ang paligid ay napapalibutan na ng mga basura at ang lapag at maging ang mga haligi ay may mga malalaking cracks na. May mga parte sa building na umitim na tila nasunog ito. Kung sa mundane world ito kung saan kami ni Ada nagmula, parking space itong kinatatayuan ko ngayon.
May naramdaman akong presensya kaya agad akong lumingon sa aking likuran. Halos mapaatras ako sa aking nakita.
"T'-trunks?" hindi makapaniwala kong banggit sa pangalan nito. Umalingawngaw ang boses ko sa paligid at tumagal ng ilang segundo na tila nagsasagutan. Isang kurap ko lang ay bigla siyang nawala sa paningin ko. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at hinanap ang bata.
Maya-maya lang ay may biglang umalingawngaw na tawa ng bata. Nanindig ang balahibo ko sa batok. Tumagal ito na tila nagsasagutan.
Napalingon ako sa aking kanan nang may napansin akong dumaan, ngunit wala akong makita.
May narinig ulit akong kaluskos, napalingon ulit ako. May nakita akong batang tumatakbo at bigla nalang nawala sa dilim na tila nilamon ito nang tuluyan.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang dumaan habang paulit-ulit lang ang nangyayari. May naririnig akong kaluskos, mahinang tawa ng bata, mga yapak ng paa.
"Ate Freya,..." paulit-ulit akong tinatawag ng batang lalake sa malamig at malalim na boses.
"T-Trunks?" tawag ko sa bata dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Umalingawngaw ang aking boses kahit na ang hina na ng pagkakabigkas ko, na tila sinasabayan pa nito ang lalim at lamig ng gabi.
"Hindi ako nakikipaglaro sa'yo," medyo may inis sa boses ko. At hindi ko parin mawala sa isip ko ang pagtataka.
May dumaan ulit sa kaliwa ko, nakita ko lang sa gilid ng mga mata ko ang pagtakbo nito. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko habang paulit-ulit lang ang nangyayari. Alam kong may mali sa mga nangyayari, alam ko. At hindi ako sigurado kung si Trunks nga itong batang ito.
Napahinto ako nang biglang lumitaw sa harapan ko ang bata. Nakatago sa kanyang likuran ang dalawang kamay habang seryoso ang mga matang nakatitig sa akin.
"Trunks," banggit ko sa kanyang pangalan at sinagot naman ako ng pag-echo ng sarili kong boses. Seryoso lang ang mukha ng bata habang nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang sobrang puti ng kanyang mukha dahil sa ilaw ng buwan, na sa sobrang puti ay tila namumutla na ito.
Hinintay ko siyang magsalita ngunit tahimik lang siyang nakatitig sa akin.
"Trunks, bakit ka nandito?" tahimik parin siya. Hindi ako natatakot sa bata dahil kilala ko na siya kahit papaano. At hindi rin ako matatakutin in the first place. Pero kinakabahan ako sa mga oras na ito, at alam kong hindi iyon dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___