Chapter 49: The unsaid past
Rue
NANDITO ako ngayon sa garden namin at naglalaro ng bolang pinasalubong sa 'kin ni daddy. Tuwang-tuwa ko itong pinapatalbog. Sa hindi inaasahang pangyayari tumalbog ang bolang iyon papalabas ng gate namin. Nakabukas kasi iyon ng bahagya. Tumakbo ako para kuhanin 'yon.
"Rue! Bakit ka lumabas? Yaya! Yaya! Diba sabi ko bantayan mo si Rue?" Tinawag ni mommy ang bago kong yaya.
Simula no'ng maitulak ko kasi si Kuya Eziel kumuha na siya ng yaya para sa 'kin. Ang unfair bakit ako lang 'yong may yaya? Bakit si Kuya wala naman? Ang daya-daya.
"Sorry po, Ma'am. Kumuha lang po ako ng towel para kay Rue." Humahangos si yaya papunta sa direksyon ko. "Rue iha, halika rito. Lagyan ni yaya ang likod mo ng towel hmm?"
Dahil ubod ng kakulitan ang isang tulad ko, tumakbo pa lalo ako sa labas.
"Yaya habulin mo ako! Wiiiieeee! Bilis yaya!" Tatawa-tawa akong tumakbo hawak ang bola ko. Pero hindi ko inasahang mabubungho ako sa isang malaking mama. "Aray." Tiningala ko siya at ngitian. "Sorry po," paumanhin ko.
"Rue!" Tawag sa 'kin ni yaya. Bago ko pa malingon si yaya ay may tumakip na sa ilong at bibig ko. "Diyos ko! Rue! Rue! Ibalik niyo ang alaga ko!" Palahaw niya. Nagpumigpas ako pero mas malakas ang mamang iyon hanggang sa unti-unti nang lumabo ang mga mata ko.
-
"Hoy. Bata. Hoy! Gising."
May narinig akong isang boses ng isang lalaki sa panaginip ko. Ako ba ang tinatawag nito?
"Hoy. Tama na ang kakatulog. Bata gising."
"Arayyyyy!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga no'ng may pumitik sa noo ko. Unang nakita ko ang isang batang lalaki. Siguro siya 'yong pumitik sa 'kin. Kapansin-pansin ang chokolate nitong mata. Tansta ko ay magka-edad kaming dalawa base sa katawan nito. "Bad ka! Bakit mo pinitik ulo ko?" Nasapo ko ang parteng pinitik ng batang 'yon.
"Noo mo 'yong pinitik ko hindi ulo." Pagpapaintindi niya. Bumangon na ako at umupo siya sa tabi ko.
"Pareho pa rin 'yon." Pagpupumilit ko.
"Magkaiba 'yon." Pilit rin niya. Kinurot niya ang pisngi ko kaya napaaray na naman ako.
"Bakit ka pala nandito? Ako kasi hindi ko alam e. Bigla lang nila akong kinuha habang naglalaro." Paliwanag ko.
"Hmmm...they kidnapped me. Dinukot nila tayo," sabi niya. Dinukot? Umiyak ako bigla. "Hoy huwag kang umiyak. Ang panget mo. Nandito naman ako para protektahan ka."
Natigil ako sa pag-iyak. "Talaga?" Tumango siya.
Natigil kami at napalingon sa dumating. Doon ko rin napansin na marami pala kaming mga bata rito. Nag-iiyakan ang iba at ang iba ay mukhang tulog.
"Uwaaa! Mommy! Daddy!" Palahaw ng isang batang lalaki.
"Tumahimik kayo!" Sigaw ng mama. Nakakatakot ang mukha niya. Naiiyak na tuloy ako.
"Huwag kang umiyak bata," bulong ni Dey-dey sa 'kin. Hinawakan nito ang kamay ko kaya nagung panatag ang loob ko.
"Bukas mamamalimos ang iba sa inyo! Ang iba nama'y magnakaw kayo. Ang walang kahit anong mauuwi ay ikukulong." Dinuro niya kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Roman pour Adolescents(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...