You Belong With Me [Chapter 7: You, Her and I]

2.4K 26 3
                                    

"Hon! Ang tagal mo naman." Takte talaga! Potek. Don't tell me.

"Bes, may date tayong tatlo. Gusto ko kasing maging close kayo. Fourth year na tayo next school year tapos three years na rin kami pero parang di kayo close." HAHAHA! Pinapatawa mo ba ako? Sinabi na ngang don't tell me eh! DOn't tell me. Close? Haha. Isang dipa na nga lang ang agwat namin eh. Saka allergic ako sa plastic.

"Oo nga naman Sab" Sab? Close? "Syempre dapat bestfriends din tayo."

Whatever! Mean girl! Wala naman akong nagawa kundi ang ngumiti at tumango na lang. Pigilan niyo talaga ako. Malapit na akong mag walk out. OP ako. Nung sumakay kami ng trike ako yung nasa back ride.

"Sa likod na ako" Alam ko naman doon din ako babagsak.

"Ui, Bes dito ka na lang sa loob" Napangiti naman ako doon.

"Dito na lang talaga ako sa likod." Jusko naman. Nakalimutan ko na allergic pala ako sa plastic. Baka atakihin lang ako kapag naiwan akong kasama yang plastic na yan.

"Hon, wag mo na siyang pilitin." If I know..."Saka she's giving you a favor di ba?" Trying hard mag english. Spell mo nga yung FAVOR!!

Sabi sa inyo sa backride din ang bagsak ko.

Nung nasa jeep naman kami papunta sa mall. Halos wala na silang agwat. Parang butiki si Nadine na nakakakapit kay cyrus. Hello? Mabuti sana kung kaming tatlo lang pati si Manong driver. Ang dami kayang nakasakay. Nakakahiya tuloy. Naka school uniform pa kasi kami kaya halata na kakilala ko sila.

"Ang daming lamok" tapos kunwari may binubugaw akong lamok.

'talaga?"

"Oo. Ayan oh!"

*PAK*

Tapos hinampas ko yung balikat ni Cyrus kaya kumawala siya sa malalagim na paghawak ni Nadine. Yes! Success!

'Dapat pala nagdala ako ng Baygon" tapos tumawa ako. Tumawa din si Cyrus. Buti wala akong dala. Kasi kung meron baka inisprayan ko na yung pagmumukha ni Nadine. Eh yung babae namang yun ay ang sama ng tingin sa akin. Nginitian ko lang siya.

Nadito na kami ngayon sa mall. Sabi ni Nadine manuod daw kami ng sine tapos kumain tapos maglakad-lakad. Okay. Hindi naman ako humindi. Eh 2 hours pa bago mag-start yung movie kaya umupo muna kami kung saan. Nakakabagot ah. Bakit kaya hindi napapagod si Nadine sa kakasalita? Kanina pa siya kwento ng kwento.

"Sab, may crush ka ba?" Chismosa ang wale!

"Oo naman! Anong akala mo sa akin walang lovelife?" tapos tumawa siya. Si Cyrus naman ewan ko kung anong reaction niya. parang wala lang.

"Ahahaha. Oo eh." Mang-insulto ba?

"Wow. tama yan. Dapat ganyan kayo." Anong tama dun? Ininsulto niya ako."Gusto niyo ng ice cream?"

"Rocky Road!" Gaya-gaya ah! Natawa si Cyrus. Psh. Parehas kami ng favorite? ASAR! Umalis na si Cyrus para bumili. *Silence* Tapos biglang nag-ring yung phone niya.

"Hello?" Sino naman kaya ang tumatawag sa kanya? "Okay. Papunta na ako."

Huh? aalis siya? Bigla na lang siyang tumakbo papunta sa ice cream parlor. Kailangan ba talagang tumakbo? Nakikita kong nag-uusap sila pero hindi ko naman marinig kasi ang layo kaya nila! Kumiss si Nadine sa cheeks ni Cyrus tapos umalis na.

"Anong problema nun?"

"Emergency daw." Aaaaahhhhh."So ano ng gagawin natin?"

"Syempre tuloy ang date natin." Nakatingin lang ako sa kanya. "tara na bes" Tapos inakbayan niya ako.

Mmmmkay. HINDI AKO KINIKILIG! AS IN HINDI TALAGA!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon