nasa labas na kami ng mall na tatlo at nag hihintay na lang kami ng taxi para makauwi na kami dahil malapit ng gumabi marami pa namang tao sa loob at sinusulit ang kanilang time.
"Girls ambagan ulit tayo sa pamasahe."-sabi ni clara napaka kuripot talaga nitong bestfriend ko imbis na ilibre kami ng pamasahe pauwi ay tinitipid pa ang natitirang pera nito.
"Alam mo yayaman ka niyan Clara."-sabi ni Sophia sa kanya na May halong biro.
"Bakit naman?"-tanong ni Clara na May halong pagtataka sa sinabi ni Sophia sa kanya.
"Eh kasi yanong tipid mo sa pera kahit barya yung hawak mo sa kamay mo."-sabi ko din sa kanya.
"Kasi sa mommy ko ng galing yung perang pinambili ko ng mga grocery namin."-sagot ni Clara sa aming dalawa ni Sophia.
"Ay! Girls May nakalimutan nga pala akong bilhin sa loob ng mall...teka diyan muna kayo ha!."-biglang sabi samin ni Sophia.
Nang tatawid na si Sophia papuntang entrance ay biglang May humarurot na kotse at bigla na lang kaming mapatili
Nang muntikan ng mabangga si Sophia
Ng kotse na ang brand ay bagong labas pa lang at mukhang mamahalin na siguro tumataginting na 3million at May plate number na ******* bigla na lang napasigaw sa galit si Sophia sa ginawa ng driver na May ari ng sasakyan."SOPHIA!"-singhal naming dalawa ni Clara.
"AAAHH!!"-pagkatumba ni Sophia sa simento na ikinagulat namin ni Clara.
Agad namang kaming napatakbo sa kinaroroonan ni Sophia at tinulungan namin siyang tumayo sa pagkakatumba niya sa simento.
"Ok ka lang ba Sophia? May masakit ba sa iyo? Ano?."-tanong ko sa kanya.
"Oo ok lang ako galos lang ito pero g*g* itong driver na ito...teka!."-sagot nya sa akin.
*BEEEEEEP!!!!*
"HOY MANONG HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!!?
MUNTIKAN MO NA AKONG MASAGASAAN NA LINTIK KA AH! ANO BUMABA KA DIYAN!! HOY! BABA!!!"-singhal ni Sophia na galit na galit doon sa driver na muntikan na siyang sagasaan.Agad namang bumaba ang driver at nag taka naman kaming dalawa ni Clara sa naging hitsura ni Sophia sa harap ng driver.
"Excuse miss ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo."-sabi ng lalaki na driver na mukhang May ari ng kotse.
Kung sa hitsura ng lalaking ito ay parang empleyado siya ng isang company dahil sa suot niya. Singkit ang mga mata, matangos ang kanyang ilong at may taas na parang 5'9 ang height.
"Hey! Miss! Get out of way!."-sabi nung lalaki kay Sophia at kanina pa pala nakapasok sa loob ng kanyang kotse.
At tuluyan na ngang humarurot ang kotseng sinasakyan ng lalaking muntik ng makasagasa kay Sophia."Tamo itong lalaking ito napakabastos akala mo kung sino hindi naman siya ang May ari ng mall na ito...Hey! Miss! Get out of way!."-pang gagaya ni Sophia doon sa lalaki.
*Bahay*
Nag lalaro ako ng online games dito sa kwarto after naming mag mall nina Clara at Sophia i can't believe na matatanggap ako kahapon sa audition for modeling ng mga mamahaling brands na inindorse ng mga sikat na artista at influencers sabi nila sa akin kahapon ay they will send an email na lang for fashion show sa isang sikat na clothing brand laking nga nina mommy at daddy nung sinabi ko sa kanila na natanggap Ako eh. So wining my level sa online game ay tumayo na ako para buksan yung laptop ko nasa table ko lang nung nag open na ako ng email ko ay nabasa ko agad yung message sa akin ng isang sikat clothing company na pinag auditionan ko kahapon at napatili ako sa tuwa nang mabasa ko ang message nila sa akin. At agad kong tinawagan sina Clara at Sophia kinuha ko yung cellphone ko sa kama para makapag video call ako sa kanilang dalawa.
"Girls bukas na ako mag pho-photoshoot tanggap na ako!!"-sabi ko sa kanilang dalawa.
["OMG! Congratulations bes"]-sabi ni Clara
["Congratulations!!"]-sabi din ni Sophia
"Ano sama kayo bukas?"- excited kong Tanong.
["Di ako pwede be nasa Baguio kami bukas"]-sabi ni Sophia
["Ako naman mag papagawa ng passport ko bukas"]-sabi din Clara.
"Ok cheer up nyo ko bukas ha?"- Sabi ko sa kanila.
["Ok!"]-sabi nung dalawa na nasa kabilang linya then I end up the video call.
I will tell my parents na lang na na accept ako sa audition at mag pho-photoshoot na bukas. Lumabas muna Ako ng bahay at pumunta sa grocery para bumili ng yogurt at mga fruits habang bumibili ako nakita ko si Nathan na mag isang bumibili. Tinignan niya ako pero inirapan ko siya agad.
At dumiretso na lang sa yogurt and bread section nagulat nga ako ng nilapitan niya ako."So dito ka din pala bumibili"-sabi niya sa akin.
"Ah oo nakakaboring kasi sa mall Lalo na at baka may mga MANLOLOKONG TAO na sinasaktan ang feelings ng iba kahit plus size pa yung nag confess ng feelings si girl dun sa isang guy na ginawang UTUSAN si girl sa mga projects niya para lamang TUMAAS yung GRADES."-sabi ko sa kanya habang kinukuha ko yung yogurt at gatas.
"Hindi yun ang tinutukoy ko! ay bakit yung tsinelas mo mag kaiba ng kulay at parehas pang kaliwa"-sabi niya habang nakatingin siya ibaba at nakaturo siya sa paa ko.
Dahan dahan kong ibinaba ang aking mga mata at napatingin ako sa paa ko tama nga siya mag kaiba nga ang kulay at parehas na kaliwa pa yung tsinelas na sinuot ko.
Natasha ano bang pinag gagawa mo sa sarili mo at ganito ka kalutang. Napahilamos na lang ako ng mukha ko siguro sa sobrang excited ko ito nung nag send na ng email yung clothing brand na pinag auditionan ko kahapon, anak ng tokwa sa harapan pa ni crush ay este ni mokong. Di bale ng mapansin niya ako na ganito ang tsinelas ko Che!!!!. Agad ko na lang siyang tiningala at tinaasan ng kilay.
"CHE!!"-singhal ko sa kanya na ikinalingon naman ng ibang mga mamimili at agad naman siyang napalingon ng kaliwa't kanan.
Tinalikuran ko na lang siya at sabay pikit ng aking mga mata with matching kagat labi. Pumila na lang ako sa cashier para makapag bayad ng mga pinamili ko at pagkatapos ko nito ay mag gym na ako."560 po ma'am"- Sabi ni ateng cashier
"Ito po"- Sabi ko sabay abot nung bayad sa mga pinamili ko.
"Uy! Sabay na tayo maulan oh may payong kaba?"- Sabi ni nathan sa akin.
YOU ARE READING
THE PLAY BOYS MEETS THE AMAZONA GIRLS
RomanceMeet the writer of this story first po. RAECHEL MARIE B. LABORTE the author of this story ... si raechel po ay isang estudyante na mahilig mangopya sa kanyang kaklase... mahilig rin siya sa mga pagkain kaya naman ay medyo naging ma...