Love Letter

71 4 0
                                    

Kung tatanungin natin ang mga studyante kung para saan ang notebook nila, malamang maraming sagot yan, hindi naman iisa lang ang utak ng isang tao no.

..... para sa lecture

..... para sa reviewer

..... para sa homeworks

.....seatworks

..... and quizzes

..... drawing notebook

at higit sa lahat , dito natin sinusulat ang

PANGALAN NI CRUSH WITH MATCHING HEARTS PA KASAMA PA PANGALAN MO.

-------------------------------------------------

[A/N: Kapag po nakabold-italic ibig sabihin po nun yun yung sinusulat nung character. Pag naman po naka-italic thoughts po ng mga characters, pagnormal lang narration ko po yun :DD]

Prince Javier Lim

<3

Anna Mae de Guzman

Ito na naman po ako. Habang nag-aantay ng uwian ay sinusulat ko na naman ang pangalan ng taong crush ko may heart pa at with my name. Libre lang mangarap no! Sagad-sagarin ko na. Ako nga pala si Anne Mae de Guzman, 16 years old ako at 4th year highschool sa isang tanyag na paaralan at may sikreto ako, na ako lang ang nakakaalam. HAHA! Syempre, kaya nga secret diba? Actually, crush ko si Prince Javier Lim, yung mortal enemy ko since 1st year pa kami. Dati ayaw na ayaw ko sa kanya kasi lagi niya akong inaasar at inaaway pero totoo pala THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE.

"Class dismissed. You may go now."

Patuloy pa din ako sa paglelettering ko. Wala ako sa sarili eh, pano ba naman kasi kinikilig ako. Ewan ko ba kung bakit. Nababaliw na ata ako ng dahil kay Prince. Naniniwala ba kayong crush ko lang siya? Kasi ako? Hindi eh. Sa tingin ko, mahal ko na ata yung hinayupak na yun.

"Oy Bhest! What are you doing there?"

*PONK*

Bigla ko naman naisara yung notebook ko dahil bigla-biglang sumulpot tong si Shicaina, bestfriend ko since childhood ko. Hindi niya kasi alam na crush ko si Prince eh, paano ko sasabihin pakiramdam ko may gusto tong si Prince kay Shica, tas may gusto din si Shica kay Prince. Isang malaking 'OUCH' yun diba para sakin?

"Oy! Ano yan?! Bakit bigla-bigla mong sinasara?"

sabi na nga ba. Isang malaking pagkakamali. Curiosity na naman ito ng aking magaling na bestfriend na hindi ako tatantanan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya. What should I do?

"Shica! Tawag ka ni Ma'am Lopez." sigaw ng isa kong classmate, bigla namang umalis si Shica. Grabe! Ang bait mo talaga Lord! Tinulungan mo kaagad ako. Grabeness! Kinabahan ako dun uh. Pinalitan ko na kaagad yung notebook bago pa makalapit si Shica sa akin ulit.

"Oy! Ikaw babae ka. Ano yung tinatago mo sa akin ha?!"

"Ikaw?! Pagtataguan ko? Ang isang Shicaina Mendez? Joke ba yan?" please! Kumagat ka sa palusot ko.

"Pakita mo na lang sakin yung notebook mo."  sabi niya sa akin. Binigay ko na lang kasi nga diba? Napalitan ko na yung notebook. Nakita ko naman siyang napangiwi, kaya kinabahan ako.

"Best! Nakakadugo naman sa utak nito!" sabi niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya ng malakas.

Nag-kwentuhan na lang kami ni Shica ng biglang may sumigaw sa tenga ko.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon