CHAPTER 17: One Rainy Day
Mikhail Hermano: Can I call?
Ilang minuto na akong nakatulala sa screen ng cellphone ko pero hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot. Nakakahiya na maka-usap ko siya lalo na't kanina lang nasa kanila ako at umiyak na parang bata.
Kung sanang mas kontrolado ko ang emosyon ko malamang hindi naman mangyayari 'yon. Pero dahil isang gago si Walter na parang kinulang sa aruga, gano'n talaga ang nangyari. Sana hindi na lang niya sinabi kay Mikhail o Lance kung ano talaga ang nangyari.
Pagkatapos kong maiyak ay hinatid nila ako ng driver niya sa bahay. Hindi siya nagtanong o nagsalita pa tungkol sa nangyari.
Kung iisipin, quits na kami. Dinamayan ko siya no'ng nag-come out siya sa'kin at hindi niya naman ako iniwan kanina. Hindi naman sa sinasabi kong utang na loob niya sa'kin na maayos yung reaksyon ko no'n, na-appreciate ko talaga siya.
Sinulyapan ko ulit ang screen at ilang beses na nagtipa ng reply sa kaniya.
Atom Arceo: Bakit?
Hindi niya naman siguro maiisip na matagal kong pinag-isipan 'yun, 'no? Hindi ako sanay makipag-call. Ang lagi ko lang nakakatawagan ay si mama kapag madaling araw na at hindi pa ako nakaka-uwi.
Kaya kapag nag-ring ang phone ko ay sigurado na akong nasa peligro ang buhay ko. At saka kung normal na usapan lang mas maganda sa chat kasi nakakapag-isip ka muna ng sasabihin mo para hindi awkward.
Mikhail Hermano: I just want to check on you
Atom Arceo: Pwede naman sa chat na lang
Bat kailangan call?
Mikhail Hermano: Nakakatamad mag-type
I prefer calls
Muli akong natutulala sa screen at pinag-isipan ang reply ko. Hindi ako sigurado kung may mga tao ba talagang tinatamad mag-type. Ang dali lang naman, paanong nakakatamad 'yon?
Atom Arceo: G.
Ilang segundo pa lang ay nag-ring na ang phone ko at lumitaw ang pangalan niya sa screen. Hinintay ko pang tumagal 'yon bago sinagot.
Bukod sa mahinang tunog ng ulan ay paghinga niya lang ang naririnig ko. Oh, 'di ba? Ang awkward ng ganito, hindi ako sanay!
"How are you feeling?"
Dumapa ako sa kama at niyakap ang isang unan. "Ayos lang, naiyak na ako kanina, eh." Pasimple akong natawa para hindi masyadong seryoso ang pagkasabi ko pero buntong hininga niya lang ang narinig ko.
"Did uhm... Did Walter do something bad to you?"
Gusto kong isigaw sa kabilang linya na, oo marami. Gusto kong masabi sa kaniya kung gaano kasahol ang mga magulang ni Walter para lokohin si mama. Gusto kong malaman niya na ang karangyaan na mayroon ang pamilya ng taong 'yon ay si mama ang dapat na nagmamay-ari.
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Romance[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...