Gabrielle Allison Leviste
Tulad nga ng nasa plano, ilang buwan na rin ang nakalipas sa paghahanda ng magiging kasal namin ni Lucas. Kaya ngayong araw ay naisipan kong ipaalam na sana kay Lucas ang tungkol sa aming kambal.
Sa susunod na linggo na ang aming kasal, naging abala ako sa pag-aayos nito habang naging abala naman si Lucas sa kanyang trabaho.
Mamayang alas otso ang usapan naming pagkikita ni Lucas sa kanyang condo unit, kaya sa ngayon ay nandito pa ako sa aming bahay katabi ang aking kambal.
Tahimik si Caelum na umiinom ang gatas sa kanyang baby bottle, nasa gitna nila ako dahil baka mahawa si Caelum sa lagnat ni Aquila, mayroon naman akong dalawang bolster sa parehong gilid ng kama kaya hindi sila mahuhulog. Iniisip ko nga na huwag na muna tumuloy sa usapan namin ni Lucas ngunit anong idadahilan ko sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin ang kalagayan ni Aquila dahil panigurado, mabubuko ako kaagad ng maaga.
Mabuti na lamang ay hindi umiiyak si Aquila, nakatingin lang ito sa akin habang umiinom ng kanyang gatas sa baby bottle niya, namumula ang ilong at pisngi nito, halatang-halata na may lagnat niya. Umayos naman ako ng upo sa kama at hinaplos ang pisngi ni Aquila, mag-iisang taon na sila kaya minsan ay kaya na nilang hawakan ang kanilang milk bottle. Sa susunod na rin na buwan ang kanilang kaarawan kaya sana ay matuwa si Lucas sa balak kong ibalita sa kanya.
"Hey, baby Aquila, Are you okay hmmm? Get well soon baby girl." sabi ko at iniayos ang damit niya, hindi kasi nakasarado ng maayos ang kanyang maliit na jacket.
"Kuya Caelum, ilalayo na muna kita kay baby sister mo dahil baka magkasakit ka rin." sabi ko at hinalikan sa noo si Caelum bago siya inilapag sa kanyang baby crib. Mabuti na lang at tapos na siyang uminom ng gatas.
Manang-mana talaga si Caelum kay Lucas, hindi lang sa mukha kung hindi maging sa pag-uugali, mula sa pagiging tahimik, at tila walang pakialam sa paligid, natawa tuloy ako nang mahina dahil mini version talaga siya ni Lucas.
Tumabi naman na ako kay Aquila na hindi pa rin tapos sa pag-inom ng kanyang gatas, pinunasan ko rin ang mga gatas na nasa gilid ng kanyang labi, mukha siyang gutom na gutom kaya napatawa ako ng mahina. She's so cute and adorable but at the same time, she's kinda emotional, mabilis siyang umiyak at masaktan.
Pagkatapos niyang uminom ay pinadighay ko muna siya bago inilapag sa kanyang baby crib.
Iniayos ko na ang damit na susuotin ni Caelum para ngayon araw dahil papaliguan ko siya, hindi ko naman kasi maaring paliguan si Aquila dahil may lagnat siya. Pupunasan ko nalang si Aquila ng baby wipes para naman makaramdam siya ng presko.
Kumuha lang ako ng simpleng color green na t-shirt at black na pajama pants, isinama ko na rin ang black na medyas.
Inilapag ko ang mga ito sa kama, inilatag ko na rin ang isa pang tuwalya sa kama, inilagay ko rin ang baby powder.
"Kuya Caelum! Maliligo ka na!" masayang sabi ko at binuhat na siya.
Nagpunta na kami sa banyo at nagsimula na akong paliguan siya. Maligamgam ang ihinanda kong tubig, kaya nagsimula na akong buhusan siya ng tubig nang dahan-dahan.
Sinabunan ko na siya gamit ang baby soap, nakakatuwa dahil natatawa siya habang sinasabunan ko siya, nakikiliti siya sa haplos ko sa kanyang kili-kili.
"Nakikiliti ang baby ko." natatawang sabi ko at binanlawan na siya.
Matapos ko siyang banlawan ay pinunasan ko na muna siya gamit ang tuwalya.
Lumabas na kami sa banyo, dahan-dahan ko siyang inilapag sa kamay. Natuwa ako nang makita siyang ngumiti. Mayroon na siyang dalawang maliit na ipin sa harap kay sobrang cute niya kapag ngumingiti.
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...