CHAPTER 35

3.9K 46 0
                                    

"Anong nangyari Neith?" humihingal na tanong ni Nero sa akin.

 Nakita niyang nakatayo ako sa labas ng ER at Delivery Room. Halos magkaharap lamang ang silid para sa emergency at pagpapaanak. Nandito kami ngayon sa Dela Torre Medical Hospital.

''Hindi ko pa alam kung ano nga ang nangyari. Perehong nasa loob ang asawa ko at si Luna." Napahilamos ako ng mukha sa pag aalala.

"Tangina naman!" malakas kong nasuntok ang pintuan ng Delivery room.

Mabilis akong inawat nina Monti at Kaide na naririto na rin.

"Nasaan si Luna?" dinig naming lahat ang lakas ng boses ni Alpha. Nagmamadali siyang lumakad palapit sa amin. Nasa likod niya si Altis.

"Kumusta si Zandy?" nahihintakutang tanong ni Altis.

Unti-unti akong napaupo at pasabunot na hinawakan ang aking ulo. Ang saya saya pa lang namin kanina bakit nagkaganito na agad? Nasa loob ang aking mag ina, paano kung may masamang mangyari sa kanila?

"Ayon sa police report, yung driver masyadong mabilis ang takbo sa sasakyan, bigla daw sumulpot si Zandy sa gitna ng daan, mabilis naman daw siyang nagpreno tapos nakita na lang daw niyang hinarang ni Luna ang sarili kasama ang motor nito. Kung hindi ginawa ni Luna iyon mahahagip si Zandy ng kotse." Balita sa amin ni Del Mundo na kadarating lang din.

"Ikaw na ang bahala sa driver na yun." Malamig na utos ni Alpha kay Del Mundo. Tinanguan ito ni Marko.

Diyos ko, hindi ko kakayanin kung makikita kong naaksidente si Zandy. Ang buntis kong asawa at ang anak namin ay mapapahamak. Baka ikamatay ko iyon.

"Pero bakit nasa labas ng daan ang iyong asawa?" nagtatakang tanong ni Monti

Napailing na lang ako, masakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari. Agad kong kinuha ang aking cellphone at nireview ang cctv ng bahay.

Pinanood naming lahat ang nangyari kanina. Nakita namin si Zandy na bahagyang napaatras sa pagkakatayo sa sala habang nakikinig sa akin kaninang may kausap ako sa telepono. Umiiyak itong naglakad palabas ng bahay. Wala sa sariling hindi man lang namalayan na tumatawid na ito sa gitna ng daan. Kitang kita rin sa cctv ang paparating na kotse.

Napanuod din namin kung paanong sinalubong ni Luna ang kotse at iniharang ang sarili para hindi mahagip at maaksidente si Zandy. Madilim na madilim ang aura ni Alpha sa napapanood.

"Anong ginawa mo at nagkaganoon ang kapatid ko?" hinawakan bigla ni Altis ang aking kwelyo.

''Tumigil nga kayo!" pumagitna si Monti sa amin

"Dude, walang may gusto sa nangyari ngayon." Malumanay na paliwanag ni Kaide

"Anong narinig ni Zandy at nagkaganun sya?" seryosong tanong ni Altis sa akin.

"Kausap ko lang naman si Pascual kanina. Nanghihingi ng tulong sa annulment na na-file ng asawa niya." Saglit akong napatanga!

"Bullsh!t!" matigas kong mura

"What?" Nero asked

"Akala yata ni Zandy na I am talking to a certain attorney!"

"And so?" naguguluhang tanong ni Kaide.

"Iniisip yata ng asawa ko na ipapa-annull ko ang kasal namin." Napasabunot ako sa aking buhok at lalo pa yatang sumakit ang aking batok sa stress na nararamdaman.

"Why the hell does she thinks that you're going to file an annulment?" It's Monti

"That was our original plan, Pagkatapos na ibigay ng abuelo ang aking mana ay maghihiwalay kami."

Men In Uniform  (MIU Series 1) Neith Vidar OliverosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon