Chapter 09

399 117 38
                                    


"Hoy guys helpppp mamaa!"

Nandito kami ngayong Friday ano pang aasahan malamang hang out fry out. Kahapon hindi ko naman nakita si Callix kasi sabi niya busy daw siya sa pag re-review pero ayos lang nakaka chat ko naman siya. Hindi ko na inabala pa dahil baka marami siyang gagawin.

"Ano 'yon, Ashley? anong problema mo at para kang batang hinahabol ng pamalo?" nang-aasar na sabi ni Sam. Nandito kami sa couch magkakasama kaming lima naka upo.

"Don't judge alright?" inunahan ko na sila baka mag rant sila dito ng sabay-sabay at baka mabingi ako dahil sa maaaring mga tanong mga 'to.

"May bago na ata akong crush. 'Di ba tanda niyo dati isa lang naman 'yung naging crush ko nung last month? tapos 'yon hindi na nasundan pero ngayon... I'm starting to like someone." I calmly said.

Nanguna si Yanna sa pagtatanong pero hindi pala "Hay nako Ashley! tampo na ako dapat sinabi mo muna sakin" tinawanan ko na lang siya. Biglang nag tanong naman si Sam "Hoy sino nga napaka tagal mag kwento ng gaga" parang bored na bored na kala mo ay may date.

"Si Callix" nagtitili sila ng marinig ang pangalan ni Callix kilala naman nila si Callix kasi dati siyang captain ng basketball at kalat na kalat na pogi raw.

 Campus crush nga din ata. Pero parang mas mahihimatay na si Samantha sa kanilang apat kasi siya 'yong nag reto noon dati. So that's why akala mo'y kinuryente "Oh my gosh, Ashley I'm so proud of you" akala mo naman graduation at ganito siya kaarte.

Sumabat naman si Reina namilog ang kanyang bibig at hindi makapaniwala "Kaya pala nung niyaya kita sa hangout nung last time sabi mo past muna kaya pala" kinukumbinsi ang sarili at tatango-tango. Rei let out an evil smile.

Si Coery naman tahimik lang 'yan pero mukhang sa loob-loob nang-aasar because she is smirking at me. "Tapos guys ganito kasi si Callix ay nirereto 'yon ni Sam sa'kin tapos ayaw ko pero..."

"Pero nagustuhan mo din?" si Yanna na ang nag dugtong. "Pogi?" tanong niya tumango na lang ako na parang bata, nakatungo dahil nahihiya ako.

"Ang harot ah, congrats!" Sam said.

"Nung unang nakita ko siya sa bar nagkabunggo kami madilim na noon pero unang tingin ko palang ang pogi huhu" nag kwento pa ako habang sila ay parang mas kinikilig pa sa'kin.

"Tapos niyaya niya akong lumabas palagi. Rupok ko kasi eh nung una naiinis ako pero imbis na mainis sa kanya na hulog na ata ako ng hindi ko namamalayan" dagdag ko pa.

"Well thanks to me" proud na sabi ni Sam. "Ako nag introduce, ako nagbigay info, ak-" hindi ko na siya pinatapos. Oh my gosh Samantha I'll kill you! Napakadulas ng bibig. She is like an evil right now parang sinapian ng masamang spirit inirapan ko na lang sila.

Nakikinig lang si Coery pero biglang tinaas ang hawak niyang basong may lamang alak at parang sirang tinaas ito at sinabing "Cheers magkakaron na ng boyfriend si Ashley" parang tanga lang.

"Kayo kamusta naman walang paring admirer o fling"  tanong ko.

"Ako wala" walang pakialem na sabi ni Coery."Wala rin ako" sabi ni Reina muntik ko nang maidura 'yong alak na iniinom ko nung marinig ko 'yung sinabi ni Reina.

"Ikaw wala? sus! maniwala kami sa'yo" inirapan ko siya akala niya lang maniniwala kami sa kaniya. "Sa dami mong flings Reina gurl we don't believe you" sarap asarin.

Hinawakan naman niya yung dibdib nya "Ouch ang sakit" akala mo ay inapi. "Kaibigan nyo ako dapat maniwala kayo sa'kin" binulungan ni Sam si Coery tapos pinasa naman niya kay Yanna bago nakarating sa akin "Maniwala na lang tayo sa sinasabi ng babaeng 'yan, para tumigil na" I chuckled when I heard it.

Si Reina akala mo ang hitsura parang mga taksil ang tingin sa aming apat. Porket pinag kakasunduan namin siya... inirapan na lang kami nang matapos ang usapan.

 Si Rei ay nasa dance floor na nga alam na... humaharot na naman panigurado. May mga kausap nang kung sino-sino lasing na, e. At si Samantha may mga ka-chikahang taga La salle.

Naiwan na lang kaming tatlo dito si Yanna at Coery nagpapalakasang uminom ang unang mag pass out may dare. Biglang may tumatawag sa phone ko kaya kinuha ko ito nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Callix ang tumatawag. 

Agad akong nag-panic kaya sinagot ko ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinapat ko na lang ang hawak kong cellphone sa aking tainga.

"How are you?" he asked huskily.

 "I... just wanna check you from time to time" dugtong niya.

Agad akong napangiti sa hindi malamang dahilan. Bakit ba kasi siya ganito?! Ang ingay sa background kaya naisipan kong umalis sa couch para pumunta sa medyo tahimik na lugar. "Bakit? Ayos lang naman ako..." nahihilo kong sambit.

Muntik pa akong matumba dahil sa kalasingan. Mas lalo akong nahihilo dahil sa sobrang ingay sa lugar. 

"Are you at the bar? Sinong kasama mo?" he coldly asked.

Isa nalang talaga iisipin ko na may mood swing 'to kanina parang masaya siya noong tumawag siya tapos ngayon ang cold na naman. "Wala," hindi ko sinabi na kasama ko ang mga kaibigan ko dahil para mang-asar sa kanya. Ano na naman itong pinasok ko?! Wala namang masama gusto ko lang siya asarin.

"Wait na saan ka ngayon? Pupuntahan kita, Ashley" halatang napipikon na siya. "Nasa Dapitan kami ngayon" muntik na akong matalisod. "Okay, just wait me there" sabi niya sa isang baritonong boses.

Hala...Pupunta nga siya. Ano ba kasing nangyari sa'kin at nakuha ko pang mang-asar?! Baka may ginagawa siya o busy inabala ko pa talaga. Tapos... baka magalit siya dahil inaasar ko lang naman siya wala naman akong kasamang iba dito kung hindi mga kaibigan ko e'!

Narinig ko na lang na tinatawag na ako ni Callix pagkalipas ng mga ilang minuto na tulala ako mag isa. Mukhang galit dahil seryoso ang mukha at nakatingin sa'kin ng masama. Hala galit nga. Shit. Anong gagawin ko?!

 "Who are you with?" tanong niya sa isang malamig na tono. I even saw him rolled his eyes.

"Ha?" halos matauhan ako dahil sa sinabi niya. Nagseselos ba siya? o galit? 

"Sinong... kasama mo," hindi ko na siya pinatapos mag salita.

"Nagseselos ka ba, Callix?" seryoso kong tanong at kinagat ang aking ibabang labi dahil sa sobrang kaba.

Natahimik siya nang ilang segundo nandito kami ngayon sa labas ng bar sa Dapitan. Walang nagsasalita sa amin at parehas kaming nakaiwas ng tingin. Ang awkward naman.

"I didn't choose you, but my heart did" "O-okay ka na? masaya ka na? ano kung oo?! nag seselos ako?" he said in so much frustration. Sinubukan kong tingnan siya sa mata pero umiiwas siya.

Para akong na estatwa hindi ako makapagsalita. Nagulat ako for confessing his feelings to me. Totoo na ba talaga 'to? 

"Baka mamaya may kasama ka palang iba tapos pinapaasa mo lang ako, sa mga sinasabi mo..." nandito kami ngayon nakaupo na sa may bench sa labas ng bar ang ingay sa loob e'! dito sobrang tahimik naman.

 "Totoo naman... Callix" mahinahon kong sambit. Halos marinig ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Totoo lahat ng sinasabi ko sayo Callix lahat ng mga banat kung corny man pero totoo yun, walang halong biro. Nung una pa lang kitang nakita e wala na talo na" hindi ko na napigilan ang aking sarili na umamin.

"Everyday I'm falling into you, can't help over it" anito

"Do you like me too?" umaasang tanong niya.

"Hindi ba obvious?" inirapan ko siya at tinawanan. "Yung mga paglabas ba natin noong mga nakaraang araw anong ibig sabihin noon?"

"Any guess?, Im courting you nung simula pa lang na inaya kita hindi ba obvious" He mocked at me.

Ang bilis ng tibok ng puso ko....

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now